CHAPTER 5

5 2 0
                                    

Khyzelle Pov

"Haller ang tagal gumising ng babaitang to."

"Yeah right she's on a deep sleep."

"Nako kung ano ano iniisip nito e."

Naalimpungatan ako sa boses nila oo nila. Boyset e, kitang natutulog ang tao. Tss.

"Hoy feeling reyna bumangon ka na 'jan." Pasigaw na sabi ni Kris. Tangina! Boyset, padabog akong bumangon ng hindi man lang sila nilingon. -__-

Narinig ko pa silang nag bulong bulungan pero hindi ko na sila pinansin. Nag tungo nalang ako sa cr at ginawa ang daily routine ko. Tatlong araw dito hmm. Matagal akong natulog ka gabi, oo sinadya kong matagal na matulog para makapag isip. Buo na ang desisyon ko mamayang gabi tutulungan kong makalaya ang Fox. Iksaktong kabilugan ng buwan mamayang gabi.

"Woi Khy! Baka naman gusto mo ng lumabas, ano? Nag daydream ka na naman ba? Nakita mo ba prince charming mo? Kaloka pati banyo walang patawad ha." Rinig kung sabi ni Kriss. Tangina! Hindi ba talaga matahimik ang bibig niya kahit isang araw lang tss.

"Oo na palabas na!" Dali dali akong lumabas sa bathroom saka sinamaan ng tingin si Kris kita ko namang natatawa lang si Mica at walang pakealam na Athena.

"Oh ano ba kasing ginagawa mo 'jan? Haller! Anong oras na jusko naman Khy, unang araw ng retreat natin to. Kanina pa tayo pinapatawag ni Maam terror." Kinuha niya ang tuwalya niya sabay pasok sa banyo. Too late ko na realize na hindi pa pala sila naliligo. Malay ko ba! Hinintay pa nila akong magising bago sila mag si ligo. Kakagigil 'tong mga to.

Nakita kong bz sa pag babasa si Athena ng libro dahil curious ako kung anong binabasa niya kaya lumapit ako sa kanya.

0_______0

Fox?

Gumiho?

"Woi Athena ano 'yan?" Nagulat siya sa tanong ko kaya inayos niya ang salamin niya bago siya tumingin sa'kin.

"It's about how many times that the Fox alive." Nanlaki ang mga mata ko habang deristo siyang nakatingin sa'kin.

"What? Ilan?"

"Base on this book, they have two different kinds of a Fox. The Traitor Fox, this fox contains of three tails if you saw this kind of a Fox don't you dare to come near them--"

"Bakit?" Gulat kong tanong siguro isa na to sa tips ko para makilala ang gumiho na papalayain ko.

"Because they are traitors, they want to be friends with you but they can hurt you." Bumuntong hininga siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "The other one is the Fairy Gods Fox, this fox contains of one tail. The tail of freedom and satisfaction."

"Ilan ang buhay nila?" 'Yon agad ang tanong ko dahil kung tama ang sinabi nina daddy and mommy binigay niya ang kalahating buhay niya sa'kin ibig sabihin patay na ang kalahati ng buhay niya. Tangina! Naguguluhan ako. Gusto ko malaman ang lahat. Lahat lahat para sa pag pasok ko mamaya sa kweba wala na akong ibang iisipin pa.

"They have two lives."

"Two lives? Anong ibigsabihin 'non dalawang buhay? Teka naguguluhan ako." Kahit anong pilit kong intindihin hindi ko magawa. Tangina! Tumingin siya sa mga mata ko at dahan dahang sumandal sa pader.

"Dalawang buhay ng Fox, kapag naibigay ng Fox ang kalahating buhay niya sa isang taong namatay, mamatay ang kalahating katawan ng Fox. At kapag naibigay ng Fox ang huling buhay niya sa tao--" napatingin ako kay Mica ng siya ang sumagot sa tanong ko. Binigyan ko siya ng anong-mangyayari-sa-fox look.
"Mamatay ang Fox."

The Fox's LifeWhere stories live. Discover now