Chapter 3

9 3 0
                                    


Clea's POV

"Sure kaba sa desisyon mong pasalihin sila Seigi?" Tanong ni Kiton.

Agad na tumango si Seigi habang kumakain ng spaghetti. Kanina pa siya ganyan, gutom na gutom yata to! Saan ba nanggaling to at bakit parang baboy yata kung kumain.

Nakita kong pumasok sa kusina si Beckett at uminom ng tubig. Hindi kona lang siya pinansin at tumulala nalang sa counter top.

"Bagong gang palang sila, pero alam kong may potential na." Sabi ni Seigi.

"Potential? Paano naman? Tuturuan mo den ba katulad namin Seigi?" Alanis asked.

She just shrugged her shoulders and drink a glass of water. "May importante akong gagawin sa loob ng dalawang araw. Kayo, ang magtuturo sa apat na yon."

Ha?! "Ano?! Paano namin sila tuturuan aber?!"

"Bobo kaba Clea? Syempre kung anong alam naten yun ang ituturo naten sa kanila." Sabi ni Lucy.

Umirap ako sa kawalan at umalis na ng kusina. Nakarinig ako ng doorbell kaya naman lumabas ako at dumiretso sa labas ng gate. Nagulat pa ako na pumunta talaga dito yung apat. Paano naman kaya sila napapayag ni Seigi? Kakaiba den si Wanda eh ginagawang posible ang imposible.

"Uhm.... kayo ba yong... gang na sasali samin?" Tanong ko at agad na napunta ang mata ko sa lalaking tingin ko ay makulit. Ang gwapo.

"Ah. Oo, kami nga."

Tumango nalang ako at naglahad ng kamay saka ngumiti sa kanila. "Welcome to SC Mansion, Im Clea Amiel."

"Hello, Ako si Flynn."

"Hi, Im Jett."

"Thankyou, Knox nalang."

Tumingin naman ako sa lalaking hindi tumanggap ng kamay ko. Siniko pa siya ni Knox kaya napaingos siya, saka tinanggap ang kamay ko.

"Amos." Maikli niyang sabi.

Tumango nalang ako para itago ang hiyang naramdaman. Grabe! Gwapo nga, masungit naman! Sarap tapalan ng scatch tape sa muka eh. Sumilip ako sa labas ng gate at nakitang may dalawang sasakyang nakaparada don. Siguro ay sa kanila.

"Ipasok niyo nalang sa loob ng garahe yung sasakyan niyo. Ayaw na ayaw kase ni Seigi na may nakaharang or park sa labas ng gate....." bahagya akong lumapit at hininaan ang boses. "Sinusunog niya kase o sinisira kapag sagabal." Nangingiti kong ani.

Agad namang tumabko si Knox at Flynn saka pumasok sa sasakyan. Inaya ko naman yung dalawang pumasok na sa loob kaya sumunod sila saken. Nakita ko sina  Beckett, Alanis, Kiton, Lucy at Seigi na nakaupo sa sofa.

Umupo nalang den ako don. Tahimik lang kami hanggang sa dumating yung dalawa at naupo narin. Nakita kong umayos ng upo si Seigi kaya naman inalerto na namin ang sarili namin.

"So inamin niyo ngang mahina kayo?"

Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ang reaksyon nung apat. Kita ko ang pangigigil sa muka nila. Napailing nalang ako dahil napaka-insultulera talaga ni Wanda.

"Pwede bang tigilan mo muna ang kakadada at sabihin kung anong gagawin namin?" Seryosong sabi ni Flynn.

Inihagis ni Seigi ang apat na susi sa kanila at agad naman nila itong nasalo.

"Sa apat na palapag ng bahay ko may apat na bakanteng kwarto. Sa second floor ay dalawa ang bakante, Amos at Jett, kayo sa second floor, nandoon ang kwarto ni Clea at Kiton. Ikaw Flynn, sa third ka dahil dalawa lang ang kwarto sa third floor, kayo ni Alanis ang nandoon. Sa 4th naman si Beckett at Lucy ang nandoon. Knox doon karin."

Chasing Seigi: SC Gang Of Claude HighWhere stories live. Discover now