📖CHAPTER TWO📖

1 0 0
                                    

FAIL OR SUCCESS

ERETRIA POV

Ilang minuto kaming naghintay bago mag ring ang isang cellphone.Laking gulat ko ng makita kong yung akin ang tumunog.

"Sabi mo wala kang hinihintay na tawag?"nang-aasar na tingin sa akin ni Zoey.

"Wala nga!!" Taas kilay na winika ko.

Ngumiti sila At tumingin sa aking cellphone.

"Sagutin mo na baka importante yan."wika nilang dalawa na may mapang-asar na ngiti.

Napakamalas ko naman ngayong araw na to..
Kinuha ko na ang aking cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello po."wika ko na naiinis parin.

"Ayos ka lang ba anak??Si Papa to!"bumalik ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang boses ng aking ama.Daddys Girl ako kaya ganun na lang kalapit ang loob ko kay papa.Si papa na halos ang magpalaki saakin kaya mahal na mahal ko yun.

"Opo pa,Ayos lang Ho ako.Kayo po,Kumusta na po kayo??Miss na miss ko na po kayo."wika ko na na e-excite pa.

"Ayos lang din kami dito anak.Miss ka na rin namin anak.Mag-iingat ka diyan lagi ha.Iingatan mo ang sarili po ha.Wala diyan si papa para protektahan ka."nararamdaman ko ang mangiyak ngiyak na boses ni papa.Ayaw kong makakita ng mga taong umiiyak ang babaw lang kasi ng luha ko.

"Opo pa.Mag-iingat rin po kayo."

"Sege na nak,Tumawag lang ako para mangamusta...Miss you anak."

"Miss you pa."naluluha ng wika ko pero pilit ko itong pigilan.
Natapos ang conversation namin ni papa at Sobrang saya ko.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko ng masulyapan ko ang aking mga kaibigan.

Bumalik ako ng tingin sa aking mga kaibigan At Makikita mo parin sa kanila ang mapang asar na tingin.

"Oh??Ano na."wika ko.
"Magbabayad na ba ako?"dagdag ko

"Ah hindi!Hindi!."wika ni Zoey.
Ngumuso ito sa bandang likuran ko At nahuhulaan kong nasa bandang likod ko lang yung i-titrip namin.Dahan Dahan naman akong tumingin kung saan sila tumitingin.

And Boommmm.That was him.Yung lalaking nakita kong Member ng Gang.Yung lalaking May Print Logo ng MEGABLACK yung damit.Tsss..Ewan ko ba kung Member siya ng Gang pero sa datingan parang Oo e.
Mag-isa lang siya ngayon.Hindi niya kasama yung dalawang lalaki na nakita ko kaninang kasama niya.

Dahan dahan naman akong humarap sa aking mga kaibigan.Tinignan ko sila ng makahulugang tingin.

"No wayyyy."wika ko agad na taas kilay pang tinarayan ang dalawa.

"Sege na!!!Ikaw ang natalo kaya kailangan mong sumunod."

"Ayoko nga.Iba nalang."wika ko.

"Sege!!Ikaw bahala...Sayang naman yung price."wika ni Zei.

"Price???Anong Price??"wika ko.

"Na kapag nagawa mo yung utos namin is Libre Snacks mo for 3 months and kapag hindi mo nagawa,3 months mo kaming ililibre ng snacks.Pumayag ka e kaya kailangan mong makisama."wika ni Zoey.

"Game!!"wika ko.Pag dating sa pagkain talaga is game na game ako. Huhuhu.
"Panu ba?"wika kong muli na may ngiti sa labi.

"Hmmm,Ganto kasi yan...
Lalapit ka sa kaniya and then Tatawagin mo siyang hubby."

"Yun lang pala e!!Sussss,,Ang Dali naman niyan.Walang mas mahirap."wika ko na nakangiti pero deep inside is kabang kaba na ako.

"Nakss,Lakas ng loob mo sis ha??Kaya??"tanong na anas ni Zei.

"Sus..Yakang yaka ko yan."nasambit ko na lamang.Atsaka sila tinalikuran.

Tinahak ko ang daan papunta kay kuya na naka leather jacket.Kinakabahan ako pero para sa Libreng snacks for 3 months,kakayanin ko to.

Nakaupo siya sa pang group na table kaya marami pang space para saakin.May nakapatong na wine sa kaniyang table.

Lumapit ako sa kaniya At kumuha ng upuan at pinaharap sa kaniya.Mga 5 inches lang ang layo ko sa kaniya.At sa isang maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya.

"What are you doing?"salubong na tanong agad niya saakin.

"Hi hubby.Do you miss me??Im your Wifey."wika ko.Ramdam na ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa ibat ibang bahagi ng katawan ko.Basang basa na ng pawis ang kili Kili kong lintek....

"What?Really?"mababasa mo sa mukha ng lalaki ang pagka gulat At kakaibang ngisi sa kaniyang mukha...HUHUHU last na talaga to..

Kunyare naman akong May hinahanap sa May table niya para naman mabawasan ng kaunti ang kaba ko.Nakakita ako ng tissue At pinampunas sa basa kong mukha.

"What are you looking?May hinahanap ka ba ha?"

"Ah,Yung hubby ko.."lintek naman.Saang lupalop ng daigdig yung katalinuhan ko.Ang talino ko naman bakit kapag ganto nawawala na isip ko.

"Are you serious?"anas nito.Mas kinabahan naman ako.Sobrang tigas ng pagkakasabi niya sa salitang iyon.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Get lost."sigaw nito saakin.

"Galit agad si hubby.Sorry na talaga hi-."hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko ng dumating ang mga kasamahan niya.

"May bisita ka pala Bellamy." Wika ng isang lalaki na kanilang kasama.

"No,She's not a visitor.Shes Crazy."wika nito.

"May hinahanap ka ba Miss,"tanong saakin ng isa nilang kasamahan.
He's so cute.May dimple siya.Nakaka attract din yung bigote niyang kaunti palang.
Nakakaattract talaga yung dimple niya sa bawat binibitawan niyang salita ay lumalabas yung dimple niya.OH MY GOODNESS..nahihibang na ako.

"Ahh,.Ikaw."hindi ko na malayan na ang winika dahil sa pagkahibang ko.HAHAHA

"Ha?"parang naguguluhang tanong ni kuyang May dimple.

"Ikaw kako,"sabi ko

"Anong ako?"tanong niya.

"Ah wala.."napaka slow naman nito,common sense naman huhu.Ang cute nga niya pero.....hmmm basta nakakaturn off.

Aalis na sana ako ng pinigilan ako ni kuyang sabaw.Hinawakan niya ako sa aking balikat.

"Yes?"tanong ko sa kaniya.

"Btw,I'm Neil pwede mo rin akong tawaging Pako."

"Ahh...Effortless..."tatalikuran ko na naman sana siya marinig ko ang sinabi ni Bellamy

"See mga Tol,She's crazy."wika ng lalaking tinawag nilang Bellamy.

"Hoy!"pasigaw na sabi ko sa kaniya.
"Anong sinabi mo?Ha?Baliw?sino?ako?tskkk.."tumalikod ako sa kanila para maglabas muna ng sama ng loob Ng nakita ko ang mga kaibigan kong nag checheer up parin.
"Sinong baliw?"pang ulit ko ng tanong sabay lingon sa kanila.

"Ikaw!"napaka confidence naman nito.Kapal ng mukha...Inulit pa talaga.

"Hubby!"pangsweet voice kong winika.But deep inside YUCKKK...
"Matagal na akong baliw sayo."wika ko

"Hhahaha hhaha."nagtawanan naman ang kasama niya.
May nakakatawa ba naman dun sa sinabi ko.

"Btw,I'm Joaquin.And you are?"tanong saakin ng isa pang lalaki na kanilang kasama.

"Sorry,I can't talk sa hindi ko kilala.Thats the bilin Of my papa."pagbitaw ko ng salitang iyon ay agad ko na silang iniwan.

Bumalik ako sa aming pwesto.

"Oh Ano sis?Success ba?"wika ni Zoey.

"Ewan ko kung matatawag ba yun na SUCCESS or FAIL."bumuntong hininga lang akong napapikit.Naimulat kong muli ang aking mata ng maramdaman kong May humawak sa aking balikat.

Still the one Where stories live. Discover now