CHAPTER 27: FAMILY GATHERING

175 46 22
                                    

[Joanna]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[Joanna]

Kung nananaginip ako, gisingin niyo na ako, ngayon din! Toto ba 'to? Seryoso ba si Luke nang sabihin niyang "Joanna, I like you."

Baka naman mamaya, totoo pala 'yung palusot niyang gusto niya lang akong maging group mate. If ever, pahiya na naman ako dahil sa pagiging assumera ko. Shocks, nag "I like you too" pa naman ako. Pero pwede rin namang sabihin ko na lang din na gusto ko rin siyang maging group mate.

"Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Sinasabi ko na nga ba at crush mo rin 'yung batang 'yun," panghuhuli sa akin ni Yaya nang makapasok ako sa loob ng bahay.

"Si Yaya naman, ang OA! Nakita ko lang 'yung kapitbahay natin na kaibigan ko, si Ate Shaynon," pagpapalusot ko.

"Talaga ba?" hindi pa rin makapaniwalang aniya.

"Oo nga, Yaya naman eh. Nagkamustahan lang kami ni Ate Shaynon. Bakit naman ako magkaka crush sa nerd na 'yun?"

"Shaynon? 'Yung Francisco ba?"

"Oo, Yaya. Bakit?" Sa pagkakatanda ako ay iyon naman ang surname ni Ate Shaynon.

"Eh bakit hindi ka nagpalibre ng frappe at cake kay Shaynon?"

"Huh?"

"Marami ka pa ngang hindi nalalaman," iiling-iling na saad niya at umalis. Naiwan naman akong nakatulala dahil hindi ko maintindihan ang mga ikinikilos niya.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko habang iniisip kung paano malulusutan ang isa na namang kabaliwang pinasok ko. Pauwi na lang si Luke, bakit kasi naisipan ko pang sabihin iyon?

Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis ko sa sarili ko. Hindi na ako magtataka kung iisipin na talaga ni Luke na may gusto ako sa kaniya.

"Para kang timang diyan," parang nahulog ang puso ko sa gulat nang biglang magsalita si Yaya.

"Yaya naman eh, bakit hindi ka muna kumatok?"

"Nakabukas ang pinto eh, dadalhan lang naman kita ng gatas pero parang ayaw mo yata." Umasta siyang aalis pero pinigilan ko siya.

"Akin na nga 'yan."

Habang iniinom ang gatas ay kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Sana ganito rin kabilis pumasok sa utak ko 'yung mga topic namin sa school. Literal na may gatas pa ako sa labi pero puro love life na ang iniisip ko.

Dahil mukhang hindi ako makakatulog mamaya nang hindi naipapaliwag ang side ko, naglakas loob akong i-chat si Luke sa messenger.

Hi, Luke!

What do you need?

'Yung sinabi ko kanina bago ka umalis, forget about it.

My Intelligent Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now