Short Story

5 1 0
                                    


Pagod na pagod na ko dahil P.E time namin at running ang activity naming today. Parang bibigay na yung mga ugat ko sa pagod pero sige para sa grades!


Nakakaisang tatlong lapses pa lang ako ng takbo pero sobrang hingal na hingal na ko. Kulang siguro ako sa exercise lately kaya ito, mabilis ako mapagod.


Nakita ko ang pagtigil ni Vina at tumabi sa gilid ko. "Lahat ng pawis nailabas ko na pato 'yung mamaya pa"


Natawa ako sa reklamo niya, kailangan naming 'to para may extra points kami sa P.E sa midterm exam.


Tatakbo na sana kami ng may narinig kaming pito na galing sa P.E prof namin. "Class! Gather around here!"


Napatakbo kami at nakita kong may hawak siyang papel. "Class, kung sino lang 'yung nasa list dito, siya lang ang may extra points sa midterms"


Nandoon kaya ang pangalan ko? Medyo na-late kasi ako ng pasok kasi may nagbanggan na kotse kanina at hindi na ko nakapag-attendance.


Nagtatawag na ang prof naming ng mga pangalan at ito ako naghihintay n asana matawag dahil sayang ang extra points sa midterms.


Natapos na ang prof namin at hindi nabanggit ang pangalan ko, sayang! Ngunit may sumigaw sa likod ng prof naming na nakapukaw sa atensyon naming lahat.


"Prof! Si Liz Abucay po, wala sa nabanggit niyo pero nandito po siya kanina, na-late po siya kasi may nagbanggan sa tapat ng school" banggit ni Kevin na siyang kinagulat ko.

"Okay noted" ani ng Prof ko.


Napatingin sa'kin ang lahat pati na rin si Vena. "Paano niya nalaman? Is Kevin the secret admirers of yours na lagging nagliligtas sayo kapag late ka?"


Nanlaki ang mata ko sa kanya. "Huh? Ngayon ko lang siya narinig na niligtas niya ko"


Napatingin sa'kin si Vina. "Girl 'pag na-lalate ka sa math class or nasa meeting ka ng student council, imbis na ako ang magsasalita, si Kevin ang lagi nagsasalita sa mga Prof natin, iniintriga na nga siya ng mga kaklase natin kung kayo ba!"


Nagulat ako sa sinabi niya, kaya pala kapag tinignan ko ang attendance sa hapon ay nandoon na ang pangalan ko!


Hinanap ko siya at nakita kong nagpapahinga siya sa puno ng Acacia. Lumapit ako sa kanya at nakita kong tumayo siya.


"Hi Liz, okay ka lang?" aniya.


"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko at seryong tinitignan ang mukha niya.


"Ang alin?" aniya at mukhang inosente pa.


"Anong alin? Lagi mo ko nililigtas? Akala ko ba "I don't like girls who's always late" sarkastikong kong sabi.


Nilapitan niya ko at puno na ang nadama ko sa aking likuran. "Paano mo nalaman 'yan?" aniya sa malambing na boses. "Mga kaibigan ko lang sinabihan ko niyan"


Tumingin ako palayo sa kanya. "Wala narinig ko lang! At teka bakit mo ba ko nililigtas? Kaya ko sarili ko" aniya ko at hinarap siya.


"Because I like you, I like when you're frustrated kapag traffic, I like when nakakalimutan mo 'yung susi ng locker mo, I like when you run na kahit 3 lapses pa lang pagod ka na. All in all, I like you" napatingin siya sa'kin at kitang kita ko ang kislap ng mata niya. Hindi na ko makagalaw sa pwesto ko, pero ang masasabi ko lang... gusto ko rin siya, walang duda. 

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 13, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Savior AdmirerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora