seven ✨

30 1 0
                                    

"Hoy! Akin nga kasi 'yan," Yeji shouted ng agawin ni Youngjae yung tapsilog na niluto ni Jaebeom para sa kanya.

"Akin nalang kasi! Palagi nalang longganisa niluluto nya sa akin eh,"

"Bangus nalang sa'yo," Jackson said at binigay kay Yeji ang plato nya.

"Hindi ako kumakain ng Bangus!" she shouted.

"Aba! Kumain ka ngayon! Sawa na rin ako dyan at baka bigla akong magkakaliskis dito!"

"Hoy! Ang ingay nyo, nakakahiya!" Jaebeom shouted at them kaya natahimik sila.

"Mahal," natatawang pagbabawal dito ni Seulgi.

"Ano ba gusto nyo?"

"Tapsilog!" sabay sabay na sigaw ng tatlo kaya mas lalong natawa si Seulgi.

"Fine, ipagluluto ko kayo pero itabi nyo lang yan dyan at pwede pa naman kainin," Jaebeom said at nauna na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Mahigit tatlong oras na silang nandoon dahil hinihintay pa nila si Yeri at Mark nung biglang makatanggap ng tawag si Youngjae kay Yeri.

"Oh? Asan na kayo? Nagrereklamo na si Jackson dito,"

"Loud speaker mo," Jackson told him na siyang ginawa nya naman.

"Pwede bang sa bahay na tayo magkita kita mamaya? Sa bahay namin ni Kuya,"

"Bakit?" Jaebeom asked.

"Eh kasi kakain kami sa labas ni Mark ngayon," she said.

"Ano ba naman 'yan," pagrereklamo ni Jackson.

"Kuya, hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko? Araw araw na tayo magkasama,"

"Bahala ka,"

"Buti?" Seulgi asked.

"Kasi, may good news ako," she said.

"Buntis ka?" Yeji asked.

"Kotongan kaya kita! Anong buntis? Di pa nga sila kasal!" sabi ni Jackson dito.

"Uh, excuse me? Papakasalan pa din naman siya ni Kuya Mark ah,"

"Kasal muna para naman goodshot si Mark sa mga magulang namin,"

"Ay oh? Ano? Di na ako magsasalita?"

"Anong meron?" Jaebeom asked.

"Map'promote na ako next year! Nagustuhan ng mga boss ko yung presentation ko kanina!" she said kaya hindi napigilan ng magkakaibigan na mapasigaw.

"Ehem, libre!" sigaw ni Youngjae kaya natawa si Yeri.

"Sige! Sagot ko na meal natin bukas,"

"Yon oh!"

"Sige na ha? Doon nalang tayo magkita kita sa bahay namin ni Kuya. Bye guys!"



Underneath The TreeWhere stories live. Discover now