ALAALA

1 1 0
                                    


Sa isang pamayanang punong-puno ng mga palamuti at ilaw ay matatagpuan ang mayamang pamilya na sina Robert, Helena Santos at ang kanilang anak na si Nina. Ang kanilang anak ay isang estudyante na kasalukuyang nag-aaral sa Unversity of Baguio o tinatawag ding UB. Sa kaniyang maamong mukha at mala-anghel na pananalita umaalingasaw naman ang kaniyang mabahong pag-uugali sapagkat napakataas ng kaniyang tingin sa kaniyang sarili.
 Isang umaga sa kaniyang paghahanda sa pagpasok sa kaniyang paaralan ay sinadya niyang tapakan ang nakalaylay na suot ng kanilang kasambahay na sanhi ng pagkadapa ni Aling Teresa, dahil doon nabasag ang mga mamahaling baso na hawak-hawak nito. Napuno ng ingay ang bahay nila na nanggagaling sa sigaw ng kaniyang ama; ano ba Aling Teresa paulit-ulit ka nalang nakakabasag! Paumanhin po sir, hindi ko po sinasadya sambit ni Aling Nena. Sa kabila nito’y makikita ang isang batang humahagitgit sa tuwa na hindi man lang niya naisip ang lungkot na nadarama ng kanilang kasambahay na si Aling Teresa.
Sa pagpasok ni Nina sa kaniyang paaralan hindi niya lubos akalain na may umagaw sa kaniya ng atensiyon ng mga tao at ito ang isang mayamang estudyante na si Ara. Pinalilibutan ito ng maraming tao dahil sa kaniyang Iphone 12, labis na ikinadismaya ito ni Nina. Nagpatuloy ang kaniyang klase at pagkainggit pa rin ang nadarama nito, humanda siya sa akin magpapabili rin ako ng ganoong Cellphone saad ni Nina sa kaniyang sarili. Nang matapos na ang kaniyang klase dumiretso agad siya sa kanilang sasakyan, sa kaniyang biyahe ay napansin niya ang mga tirahang punong puno ng mga maruruming basura at pirapirasong mga bakal, ano ba ito napakarumi naman ng lugar na to! Paano kaya sila nakakatulog sa lagay na iyan? Haysssst buti nalang hindi ako katulad nila.
Napansin ng kaniyang ina na malungkot ang kaniyang anak, Nina bakit parang napagod ka ata ng husto? Tanong nito kay Nina na nadidismaya pa rin dahil wala siyang bagong cellphone, hindi niya na sinagot pa ang tanong ng kaniyang ina at dumiretso na lamang siya sa kaniyang kwarto. Tinawagan ni Nina si Aling Teresa upang ipaghanda siya ng paborito niyang pagkain; Yaya ang gusto kong pagkain ngayon ay iyong bluberry cheesecake na bagong bili nila mommy at daddy! Utos nito sa kaniyang yaya, sige po Ma’am Nina ipaghahanda na po kita sa baba sambit ni aling Teresa. Yaya dito ko gustong kumain at hindi sa baba at pakibilisan nga! Pagtataray nito sa kasambahay.
Pagsapit ng umaga…………….
Napakaganda naman ng araw na ito! pambungad na sambit ni Nina habang nag-aayos ng sarili sa harap ng kaniyang salamin, tila may pumukaw sa kaniyang atensyon at ito ang bagong post ng kaniyang kamag-aral na si Ara, labis nanamang ikinadismaya ito ni Nina sapagkat umabot ang kaniyang post ng 2000 likes samantalang siya hindi pa niya naaabot ang dami ng bilang na ito. Palibhasa bago lang phone niya saad niya sa kaniyang sarili, humanda siya magpapabili rin ako nito!
Nang bumaba siya upang kumain ng kaniyang umagahan ay naabutan niyang mabilis na kumikilos ang kaniyang mga magulang dahil late na umano sila sa kanilang trabaho. Ganiyan naman sila palagi, kahit sabado at linggo ay wala pa rin sila sa bahay. Magsasalita na sana si Nina tungkol sa gusto niyang bagong cellphone ngunit hindi na nito naituloy sapagkat mabilis na pinaandar ng kaniyang ama ang kanilang sasakyan.
Anak pagpasensyahan mo na sila dahil para rin naman sa iyo yung pagtratrabaho nila sambit ni Aling Teresa na labis ding nalulungkot sa kalagayan ni Nina, diba nakakapag-aral ka sa mamahaling paaralan samantalang ang mga anak ko nasa public school lang sila pumapasok kaya napakaswerte mo anak dagdag nito. Masuwerte? hindi ko na nga alam kung mahal pa ba nila ako sapagkat palagi nalang silang nagtratrabaho, sambit ni Nina habang kumakain ng kaniyang umagahan.
Tinawagan niya ang kaniyang mga magulang upang magpabili ng bagong phone, sa una ay hindi gusto ng kaniyang ama ngunit dahil sa mapilit si Nina ay bibilhan na siya ng kaniyang mga magulang. Sa sobrang saya ay napatalon ito sa kaniyang kama habang binabanggit ang salitang yes! Yes! Yes! may bagong phone na ako!
8:30 na bakit kaya ang tagal nila mommy at daddy? Tanong nito. Upang libangin ang kaniyang sarili ay pinili niya munang manood sa kanilang telebisyon at may isang balita ang pumukaw sa kaniyang atensyon; Dalawa ang patay sa banggaan ng isang sasakyan at motorsiklo sa Luneta hill, upper Session Road, Baguio Benguet. Dinala sa ospital ang drayber ng motorsiklo na si Arvin Gonzales samantalang patay na ang kinikilalang dalawang mag-asawang sina Helena Santos at Robert Santos na sakay ng Toyota Avanza. Unti-unting kumawala ang mga luha mula sa kaniyang mga mata at hindi na rin nakayanan ng kaniyang mga paa unti-unti na itong napaluhod sa balitang kaniyang narinig. Sa oras na iyon hindi makapaniwala si Nina na patay na ang kaniyang mga magulang, kasalanan ko ito kung hindi ako nagpabili ng bagong phone tiyak na uuwi pa sila ng buhay sigaw nito sa kaniyang sarili. Agad na niyakap ni Aling Teresa ang kaniyang amo na punong puno ng pagsisisi sa kaniyang sarili. Anak, tigil na sa pag iyak sambit nito habang humihikbi dahil sa kalungkutang kaniyang nadarama, Nina meron pa naman ako kahit kasambahay lang turing mo sakin tinuring na rin kitang anak sa tagal kong nagtratrabaho rito dagdag nito. Sa tagal ng pag iyak ni Nina ay nakatulog na ito sa kaniyang kama.
Isang linggo na rin matapos ang balitang gumunaw sa akin ng tuluyan, tanda ko pa ang mga halakhak ng aking ina at mga masasayang alaala naming magkakasama. Nandito ako ngayon sa bahay nila Aling Teresa upang idaos ang Pasko sapagkat hindi ko kayang makita ang aming bahay. Napansin ko sa tahanan nila Aling Teresa na kahit maliit lamang ito ay makikita mo sa bawat mukha nila na sila ay masaya, natutunan kong makuntento sa kung anong meron ka at habang may oras ay ilaan ito sa ating pamilya dahil maaaring kinabukasan ay hindi mo na sila makikita pa. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlaalaWhere stories live. Discover now