Pak 1

20 2 1
                                    

Note: Huwag kayong magpaloko na seryoso to. Humor pa rin ito.

"Anak, pagka-push ko sa iyo. This is it na huh?" sabay ire ni Myra. "Ang hirap naman manganak and everything!" pasigaw na reklamo ni Myra (in the tune of Ruffa Mae Quinto).

"Myra! ano ba! Ire ka ng ire wala namang lumalabas!" reklamo ng nagpapaanak kay Myra. Huwag niyo ng tanungin ang pangalan. Di siya importanteng karakter.

"Wow! palit kaya tayo posisyon? Keri mo?"

"Aba! may attitude ka girl?" sabay banta na papaluin siya ng doktor.

"Wait! This is it!" ire ulit ni Myra at lumabas na nga ang bida ng ating kuwento. Pagkalinis sa bata ay dali-daling binigay siya kay Myra.

"Anak, pasensya na. Iiwan kita sa impiyernong mansyon." mangiyak ngiyak na sambit ni Myra. "Do not worry, maraming pagkain dun. Di ka magugutom. I will pray for you, I will think of you until my life will go on." muntikan pang mapakanta si Myra ng theme song ng titanic. Napapailing na lang ang mga taong nakapaligid kay Myra.

"By the way, when you turn to the right. No right turn only U-turn!" sabay tawa ni Myra at nagsenyasan ang mga nasa loob ng kuwarto na tila nabaliw na ata si Myra. "Always think that I love you anak." 

"Myra, maya't maya darating na si Gob Berto kaya ibigay mo na sa amin ang anak mo at lumayas ka na." utos ng uhuging doktor.

"Wow! Agad agad? Sariwa pa dok oh? See may dugo pa nga? Palalayasin kaagad?"

"Wala ka ng magagawa. Instruction ni Gob to."

"Oh eto." pagalit na binigay ni Myra ang kanyang anak sa katulong na nasa loob ng kuwarto rin.

"Rhythm."

"Huh?" pakamot na tumunganga ang katulong.

"Rhythm pangalan niya! Slow?" 

"Ah! Riting. Gets." malaki ang pagkakangiti ng katulong.

"Rhythm! As is R for Royal and the rest gets mo na."

"Sige day, gets ko. Retim." 

"Hay naku. Isulat ko na lang. Yan ang ilagay mo sa birth certificate." at isinulat na nga ni Myra ang pangalan ng bata sa isang pirasong papel na ewan kung saan nila hinanap.

"Anak, take care!" mangiyak ngiyak na paalam ni Myra na nagsimula ng magsi-alsabalutan kahit fresh pang nanganak. Nang mabitbit na ni Myra ang lahat ng kanyang gamit ay tsaka ito dahan dahang naglakad papunta sa pintuan.

One last look. Sad face at may isang tulo ng luha sa right cheeks niya na tumingin siya sa natutulog niyang anak.

"Dream, Believe, Survive!" wiith action pa yan. "Anak, kapag mayaman na ako, babalikan kita. Sayonara!"

Authors Note: Introduction pa lang ito. Planning to do short updates na daily. Enjoy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated LoserWhere stories live. Discover now