Kabanata 41

639 48 16
                                    

"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Tanong ni Carmelita. Magkasama kami ngayon sa cafeteria. Hindi ko naman mataboy dahil feeling close siya sa akin. Hindi naman kami masyadong nagkikita ni Olga dahil busy din siya sa klase niya.

"Wala akong gana." Sagot ko sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling pag-uusap namin ni Zephyr. Simula nun hindi na kami nagkausap pa. Nagkikita kami, pero hindi kami nagpapansinan kahit na classmate and seatmate pa kami.

"Ano ka ba naman. Magkakasakit ka niyan. Tingnan mo nga ang putla-putla mo. Daig mo pa ang may sakit. May problema ka ba?" Aniya sabay nguya sa kinakain niyang burger.

"Wala. Kumain ka na nga lang. Tsismosa ka talaga." Inirapan ko siya.

"Sorry naman, hehe." Hindi ko na siya pinansin.

Hindi pa tapos sa pagkain si Carmelita nang iwan ko siya. I gave my foods to her kasi kaya ang tagal niyang matapos sa pagkain.

Mag-isa akong naglalakad sa campus. Gusto ko munang maglakad-lakad.

"Sobrang saya ko dahil pumayag ka na ma-engaged tayo." Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Ciara at Zephyr na nakaupo sa isa sa mga bench. Dito 'ata kumain. Para silang couple. Well, couple naman na rin talaga sila. Engaged na nga 'di ba.

"Ikakasal ako sa lalaking minamahal ko. Sobrang happy ko talaga. Hindi ako makapaniwalang abot kamay na kita. Parang dati sobrang layo mo sa akin. Nahihirapan akong abutin ka. Excited na ako sa engagement party natin bukas." Niyakap niya si Zephyr and that hits me. Bakit ba affected ako sa kanila? Damn! Ayaw ko nito. Sobrang hirap!

"Excited ka rin ba, Zephyr?" Tanong niya at hinarap si Zephyr.

"O-of course."

"Alam ko. Hindi tayo pareho ng nararamdaman. Ilang beses na akong nawalan ng chance sayo. Pero hindi pa rin ako susuko. Aasa pa rin ako na balang araw ay magiging pareho na tayo ng nararamdaman sa isa't-isa. Sana 'yong hindi na one sided love." Malungkot na sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Zephyr.

"H'wag ka sanang magagalit sa akin kung pumayag kaagad ako sa gusto ng Lolo natin. H'wag mo rin sanang iisipin na nag-take advantage ako. Pumayag ako na makasal sayo hindi lang dahil sa nararamdaman ko para sayo. Pumayag ako dahil iniisip ko rin ang kalagayan ng Lolo mo. Isa pa ayaw kong mabigo ang Lolo ko sa akin. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan ng Lolo natin dahil sa akin."

"I understand you. That's what our grandfather wants. Ito ay hindi natin ginagawa para lang sa ating sariling kapakanan. Ginagawa natin 'to just for the sake of our families. Kilala mo ako at kilala rin kita. Mas okay na rin siguro ang naging desisyon ng Lolo natin." Saad ni Zephyr at bahagyang ginulo ang buhok ni Ciara. He accepted it. He is willing to marry Ciara and that's final. Bakit ang sakit? Iba 'yong sakit na 'to. Nasaktan na ako dati kay Zay at Thea. Pero mas masakit 'ata ngayon 'yong kay Zephyr at Ciara.

Kung kay Zay at Thea maiintindihan ko pa kung bakit ako nasasaktan dahil 'yon sa selos kasi mahal ko si Zay. Pero kay Zephyr hindi ko maintindihan. Hindi ko siya mahal at mas lalong hindi ako nagseselos kay Ciara para masaktan o maging affected ng ganito. Baka dahil sa pagbubuntis ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. Tama 'yon nga wala nang iba pa.

I decided na bumalik na sa classroom. I look out of the window while waiting for our Professor. Napapitlag ako nang may biglang humawak sa kamay ko. Nilingon ko kung sino? At natigilan ako nang makita ko si Zephyr na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay hinila na niya ako palabas ng classroom. May pagtataka tuloy sa mga mukha ng mga kaklase namin. Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng kotse niya.

"What are you doing?" Seryosong tanong ko. He did not answer me. Nakatitig lang siya sa akin. I can't stay staring at him. Lalabas na sana ako, pero mabilis niya akong pinigilan. He shut me here, damn!

Book 1: RuthlessWhere stories live. Discover now