TC: Chapter one

598 21 5
                                    

"Love at First Sight"

It was Saturday morning, maagang gumising si Erick kasi may usapan sila ng Lola Tina niya na mamasyal sa siyudad .  Nagmamadali siyang naligo,  nagbihis at kumain. Pumunta kaagad siya sa bahay ng lola niya  at pinuntahan niya 'to sa garden.

            "Hi, Lola Tina! Good morning po sayo....." nkangiting bati niya at hinalikan niya 'to sa pisngi.

            "Good morning din sayo, apo....." ganti nito.

            "Lola,  tuloy po ba tayo ngayon? Excited po kasi ako."

            "Oh naman, apo. Teka lang, taposin ko muna 'tong pagdidilig ko."

            "Eh, ako na po diyan , Lola. Magbihis na  po kayo."

            "Erick, baka madumihan  pa yang  suot mo."

            "Lola, hindi na ako bata para maglaro pa, katulad noon. Sige na, ako na po diyan," pangungulit pa rin niya sa matanda.

            "Kunsabagay nga naman , hindi kana yung makulit na bata katulad noon," at saka ngumiti ito.

            "Lola naman, para mo namang sinabing pasaway na bata ako noon......"

            Tumawa ito.... "Oh sige apo, maiwan na muna kita dito.... Magbibihis muna ako," tumalikod na ito at tuluyang pumasok sa malaking bahay.

            Napailing na lang siya at napakamot sa ulo. Natapos niya kaagad ang pagdidilig ng mga halaman gamit ang garden hose.

            Habang hinintay ang lolang nagbihis. Lumabas muna siya sa gate sa may harapan ng bahay para magmasid sa mga batang naglaro sa kalye. Naalala  niya tuloy  yung  kabataan  niya. Papasok  na  sana siya ng mapansin niya ang isang magandang babae, maputi, balingkinitan at may mahabang buhok  hanggang balikat. Nakikipag-usap  'to sa isang babaeng may katandaan at narinig niyang tinawag  siya nitong "maam".

            'Ang ganda niya. Ano kaya ang pangalan niya?'

           

            Kahit  sa  terminal  ng  bus  inisip  parin  ni  Erick  ang  magandang  babae.  Hidi siya nakatiis  at  tinanong  ang Lolang katabi.

            "La, ahm..... may nakita  nga pala ako kanina na magandang babae sa labas ng kabilang bahay..... Ano pong pangalan niya?"

            "Hmp..... Ikaw talaga Erick, ang bata, bata mo pa....."

            "Lola, naman oh.... Im turning 17 next year na kaya. Hindi na ako  bata," pagmamaktol niya.

            "Kahit na at tsaka kaibigan ko yung lola niya at pati mga magulang niya."

            "Talaga po?....  Eh di, maganda! At least, pwede mo kong ipakilala sa kanya..... Please, po lola..... Please," lambing niya sa lola.

            "Hay naku.... Oh siya,siya....  Kung hindi lang talaga kita mahal..... pero 'wag kang magkakamaling lokohin  siya dahil magagalit talaga ako sayo. Mabait at magalang na bata si Tony... Erick, apo masyado pa kayong mga bata. Just enjoy your life as a teenager."

            Lola Tina, makikipagkaibigan lang naman ako sa kanya. And besides, I'm not that stupid enough na lokohin ang katulad niyang maganda at mabait pa," paliwanag niya.

            Umiling lang ang matanda.

            Maya-maya pay biglang tumunog yung phone niya at sinagot niya 'to.

Taking ChancesOnde histórias criam vida. Descubra agora