"Mahal"

38 0 0
                                    


I

Mahal ano nga ba ang mali?
Ang ikimkim ang sakit na nakakubli?
Ang sa hirap ay manatili?
O kaya naman sa sulok ay humikbi?

II

Sapagkat pakiramdam ko ako'y nakatali;
Sa lubid ng pareho nating pagkakamali,
Ang puso ko'y 'di tumigil sa paghikbi,
Pakiramdam ko'y ako ang mas nagkamali.

III

Mahal! Ang hiling ko'y pakiusap!
Bigyan linaw ang pangungusap,
Hayaang na ang pag-ibig ay malasap,
Baka ito na ang huli nating pag-uusap!

IV

Ang sabi ko'y pagod na'ko,
'Di ko sinabing ako'y susuko!
Pero mahal bakit ika'y lumayo?
Ngayon mga mata ko'y mugto!

"Poem Compositions" Where stories live. Discover now