Chapter 3

32 9 3
                                    

Every sunday na akong nagsisimba kasama si Matt. Ewan ko ba sa kanya, parati niya akong inaaya, gusto ko naman. Inilalayo niya talaga ako sa kasamaan. Madalas ko rin siyang naaabutang nag-aaral sa library kaya napapaaral din ako. Minsan nga lang nakakatulog kaya napapagalitan ng librarian, hindi niya ako naiisipang gisingin, hinihintay niya talagang mapagalitan ako at siya  nagpipigil lang sa pagtawa.

"Next time hija, magdala kana ng unan at kumot.. Nahiya naman ang library sa'yo" sarkastikong sabi ng librarian.

Wag kang mag-alala ma'am gagawin ko 'yan, baka magulat ka. Masunurin pa naman akong tao.

I just apologized to her and continued what I was doing.

Months passed, naging busy kami dahil sa sandamakmak na defense, seminars, pati pagmamarket ng mga kanya-kanya naming products. Hindi ko tuloy na enjoy ang Christmas break dahil panay ang bangayan namin sa groupchats. Kung hindi lang nagawi si Matt sa'min nong pasko baka wala na talagang magandang nangyari.

"Dalasan mo na ang pagpunta rito hijo para naman may kausap si Anne, minsan kasi naririnig namin siyang kausap ang sarili " tumawa si mama

Nasa dining kaming lima, si Manang Cynthia, papa, mama, ako at si Matt. We just did a simple dinner to celebrate Christmas.

"Don't worry Tita. I'll make sure to do that" he smiled to my mom.

Napangiti rin si papa sa kanya, instant close agad ni Matt ang parents ko kahit ngayon palang siya nakilala. I texted him earlier  to join us dahil wala siyang kasamang magpasko, we're friends so it's fine to invite him over. Willing naman akong ishare ang family ko sa kanya! In months of being friends with him it makes me see how he brings himself to give a light vibes to each person he's with... Hindi siya intimidating na tao kaya nga agad akong nadali e.

Sa classroom, walang ganap na lectures. Actually all grade 12-ABM ang wala dahil abala na sa performance tasks.

"Bumili na kayo, it's perfect for Valentines...72 pesos per box, 15 pesos each"

"Camote trolls 35 per box,6 pieces "

"Kaninong group iyong sa chocobutternut at Habibi?"

"Sa'min iyong butternut, kina Chelsie iyong Habibi"

"Punta raw kayo sa faculty, bibili sina Sir Norman"

Parang palengke sa ingay! May ibang abala sa pagsusuot ng formal attire para sa defense. As usual, may naglalaro lang ng mobile legends, iyong mga palamunin sa bawat grupo. Kitang-kita na sobrang busy nagawa pang maglaro, nagmumurahan pa!

"Hoy Lucio! tumulong ka nga ritong ungas ka!" sigaw ni Mar sa pinsan kong kasali pala sa naglalaro.

"Mamaya na hindi pa naman marami ang naghahanap niyan" sagot niya, tutok na tutok parin sa cellphone

"e kung basagin ko kaya cellphone mo" akmang lalapit na si Mar pero agad siyang tumayo. Napakamot pa sa ulo bago tumulong

Para talaga silang aso't pusa simula pagkabata.

Dumating ang Valentines Day kaya naging mas busy talaga. There were several booths from different strands, tinda ng pagkain lang iyong sa ABM. May small programs and presentations rin. So far it went well.

Maraming nag-aayang magpakasal sa marriage booth pero tinanggihan ko, masyado pa akong bata para makasal kahit pekeng seremonyas pa 'yan. May pahabol pang lumapit para sa blind date daw pero tinanggihan ko rin.

Natawa lang ako nang makita si Mar at Lucio na nakabusangot ang mga mukha dahil naikasal daw nang sapilitan.

"Aabangan ko talaga sa zone iyong naglista sa'min ni Maria" inis na sabi ni Lucio

Bunos points daw kasi sa minors kapag napasali sa mga booths na hindi related sa acads. Uhaw ang dalawa sa mataas na grades kaya pilit nalang nagpakasal.

..........

"Hello ma" sagot ko sa tawag ni mama. Nasa  Davao na naman silang dalawa ni papa ngayon.

"Hello hija, how are you?"

"I'm fine Ma, medyo busy lang these days. Happy Valentines to you and  to papa" I said habang namimili ng artificial rose dito sa tapat ng Cathedral para kay Manang

"Happy Vanlentines anak, pagbalik na namin ng papa mo tayo magdi-date" I smiled,  nakagawian kasi namin iyon. Somehow it makes our family stronger despite of the busy schedules. " I have to go na, magiingat ka. Ikamusta mo 'ko kay  Manang" si Mama bago pinatay ang tawag

"Nakabili kana? " biglang tanong ni Lucio at binigyan ako ng heart shape can na may chocolates.

"Thanks Luciano" nangingiti kong sabi at niyakap siya

"Yucks, Lucio kasi... nakakadiri ang Luciano" tumawa ako sa reaksyon niya

I paid the artificial rose at isang box ng puto na paborito ni Manang bago maingat na inilagay sa bag.

"Uwi na tayo may dinner date pa kami sa bahay" si Mar na may dalang bouquet of red roses at iyong kapareho sa binigay ni Lucio sa'kin.

My cousin was also holding a similar boquet, para kay Tita siguro. Himala na hindi umiral ang pagkakuripot niya this time. I just told them na mauna nalang dahil sasabay ako kay Matthew, hindi naman sila umangal. Minsan na kasi nilang nakakasalamuha si Matt. Kilala din pala siya ni Lucio.

"Ingat ka Anne. Happy Valentines" niyakap ako ni Mar bago sila tuluyang umalis ni Lucio.

Nagkita kami ni Matthew sa may 7/11. Ngumiti siya sa'kin nang magtama ang mga mata namin. I smiled back.

"Para sa'yo" natulala ako nang inabot niya sa'kin ang isang bouquet ng red roses.

"Hala siya, thank you " I smiled as I accepted the roses. " Para sa'n toh?" naguguluhan kong tanong

"Para nga sa'yo diba?" aniya, I rolled my eyes, halata naman na para sa'kin, binigay niya nga diba? sa'kin?

"Oo nga pero ba't mo 'ko binibigyan ng ganito? " tamad kong tanong. We were walking along at the downtown.

"Kasi Valentine's?" Loko toh! sumasagot ng mga halata na...

"Ewan ko sa'yo" binilisan ko nalang ang lakad ko.

"Anne" sigaw niya nang
maiwanan ko siya sa paglalakad, Umirap lang ako

Nasa tapat na'ko ng may Mcdo nang maabutan niya. We were waiting for the traffic lights to turn green

"Is it wrong to give you flowers?, I mean it's Valentine's so..." I glared at him

" e hindi naman tayo magjowa para bigyan mo ako ng chibubut nato!" napalakas pa yata ang pagkakasabi ko kaya napatingin ang ibang tao sa unahan.

"Jowa lang ba ang pwedeng bigyan ng bulaklak?" nagkunwaring siyang nagiisip kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin

He laughed when he saw my reaction. Inakbayan niya ako kaya napatingin ako sa kamay niyang nasa balikat ko.

The traffic lights turned green, nakaakbay parin siya nang tumawid kami sa kabila.

Kunwari akong nagtataray sa kanya para hindi niya halatang deep inside para na akong binudburan ng asin sa kilig. Alam kong masamang magassume nang sobra pero slight pa lang naman ang akin kaya safe pa!

"Bye na" paalam ko nang makarating kami sa labas ng bahay. I was about to turn my back at him but he suddenly grabbed my hand. Napahinto ako, naguguluhan ko siyang tinignan.

"Anon-" I was stopped midway when he smiled and kissed me on the cheek. My jaw dropped from what he did.

"Roses for someone special.... like you " he smiled again "Happy Valentine's Anne" he said and ran away. Leaving me alone, can't able to move.....

Beautiful Scars of SanityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang