Lacosta Del Bario C2

5 0 0
                                    

Nuong makalabas si mama sa kwarto ko ay dali-dali akong bumangon sa kinahihigaan ko upang dungawin si Fernan,

Sa wakas ay ligtas  s'yang nakaalis sa mansyon at bukas sa dating tagpuan ay makikita kami , sana'y maging tagumpay ang aming plano ni Fernan
Ohh diyos ko patnubayan mo kami,

Sinarado ko na ang pinto ng aking bintana at bumalik sapagtulog,
Kinabukasan ng umaga'y masigla akong gumising at nag almusal
Masyado na akong sabik mamaya sa pagtakas namin ni fernan.

Mag-gagabi na iyon at handa na ako  sa aking paglisan,  pero bago ang lahat inutusan ko ang aming isa sa katiwala sa bahay na si Manang Pilar  na silipin si fernan at sabihing nakahanda na'ko sa aming pagtatanan mabait iyon Sa'kin at sang-ayon s'ya sa relasyon namin ni fernan madalas  din ay sya ang mata ko kay papa,  sya ang taga bantay sa tuwing magkikita kami ni fernan,

Bago ang oras na pagtatagpo namin ni Fernan ay mabilis naman nakabalik sa bahay si manang Pilar , 

"Ano manang Pilar?  ano ang sabi ni Fernan? Siguro ay sabik na sabik na s'yang makita ako at makasama " masayang saad ko kay manang Pilar

Hindi ito sumasagot sa mga katanungan ko at tila bang malungkot ito,
Isang sobre ang iniabot nito sa'kin at ang mga mata nito'y nangingilid ang mga luha,

"Patawad Lacosta" malumanay na wari nito sa'kin

Nagtataka ako nuon at kinakabahn sa kilos ni manang Pilar hindi ko kasi mawari ang ibig nitong sabihin,  kaya't binuksan ko nalang ng dahan-dahan ang hawak kong sobre,

Isang sulat ang nilalaman nito at agad ko namang inumpisahang  basahin,

"Mahal kong Lacosta,  maraming salamat sa lahat ng iyong pagmamahal
Sa oras na nababasa mo ito ay marahil ay nasa byahe nako papuntang London" 

Nuong mabasa ko iyon ay nagsituloan nalang ang mga luha ko sa aking mga mata, hindi ako makapaniwala na ganun nalang siya susuko,

" kahit anong gawin nating pagatatago ay nalalaman ng iyong papa lahat na ng klaseng paglaban ay ginawa ko na,  sapat na siguro ang lahat ng iyon para sumuko mahal ko,   patawarin mo ako mahal kong Lacosta,"

--Fernando

Bumaha ang mga luha ko nuong matapos kong basahin iyon,  subrang nasaktan ako sa aking nabasang sulat na galing sa pinakamamahal kong si  Fernan,

Nakita nuon ng mama na umiiyak ako agad naman itong  niyakap ako ,  lugmok na lugmok ako nuong gabing iyon,  para bang gusto kona mawala sa mundo,

Walang araw nuon na hindi ako umiiyak, halos hindi narin ako lumalabas ng kwarto ko,  sa pagkain nama'y nawawalan na ako ng gana,

Linggo at buwan na ang lumipas pero nasasaktan parin ako ,Bumagsak ang katawan ko nuon at  pumayat narin ako  lagi narin ako nuong nahihilo at nagsusuka,
Dahil sa pag aalala nina mama at papa ay  minabuti nilang dalhin ako sa doctor ko,  at duon namin nalaman na isang buwan mahigit na pala akong nagdadalang tao,

Nagalit nuon si papa ng subra  dahil sa kahihiyan nasa oras na malaman ng mga kaibigan nya na ang anak nyang nag iisa ay nabuntis ng isang kaaway

Dahil sa pagkukubinsi nila mama at tulong narin ng mga malalapit kong kaibigan ay nagbago ako para sa anak ko,  alang -alang sa anak ko ay babangon ako,  papatunayan kong kaya ko ng wala si Fernan.

Kahit ganun paman ay paminsan-minsan akong  umiiyak sa tuwing maaalala ko si Fernan,

Lagi nalang  kasi sya ang laman ng panaginip ko,  isang beses nga ay nakita  ko sya sa panaginip ko sa tagpuan namin na nakatingin sa'kin habang sinasabi ang mga katagang ito,  "Mahal ko maghihintay ako"  paulit-ulit nya iyong sinasabi sa'akin habang ngumingiti,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lacosta Del Bario (sa ngalan ng pag-ibig)Where stories live. Discover now