Chapter 11 - Reversed Worlds

15 4 0
                                    

PHILIP REY

"Huli ka na, Philip Rey. Tatlong taon ka nang huli para sa lahat."

Nang sinabi niya ang mga salitang iyon ay parang nawasak ang puso ko. Napakagat-labi ako dahil gusto kong pigilan ang nais na paglabas ng aking mga luha. Nadarama ko ang sakit dahil sa mga sinabi ni Krizaiah. Naisip ko, ganito rin ba ang sakit na nadama niya noong sinaktan ko siya?

Hindi ako nakaimik kaya siya ang muling nagsalita. "Umalis ka na, Montero. Wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil matagal nang putol ang koneksyon nating dalawa." Tumayo na rin siya at tinungo ang pintuan saka binuksan iyon.

"Kayo na ba ni Brix?" Nasaktan ako dahil sa tanong na iyon pero kailangan kong malaman ang sagot.

"Hindi pa pero tiyak kong may puwang ang pagkakataong binigay ko sa kanya. Huwag mo na rin isiping manggulo pa." Pinahiran niya na rin ang kanyang mga luha.

Nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Kung gayon, may pag-asa pa ako para suyuin siyang muli. Makikipagsabayan ako kay Brix and MAY THE BEST MAN WIN na lang. Hindi ako lalaban nang palihim dahil kakausapin ko si Brix at ipapaliwanag ang intensyon ko para kay Krizaiah.

"Hindi ka ba lalabas o gusto mong ako na ang lumabas?" galit na wika ni Kriz at mas nilakihan ang pwerta ng pinto.

Kumilos na ako at naglakad patungo sa pintuan. Nang makarating ako sa pintuan ay sinulyapan ko muna siya bago tuluyang lumabas. Mabigat sa puso ko ang malamang gano'n ang nadarama niya sa muli naming pagkikita.

Bago pa ako makalabas sa lugar ay nakita ko si Brix na nakatayo sa labas. Kusa ko siyang nilapitan para makausap.

"Can we talk?" untag ko kay Brix. Tango lang ang isinagot niya sa'kin.

"I wanna court her, Brix. May the best man win," agaran kong wika habang magkaharap kami. Alam kong mabuting tao si Brix pero hindi ko pwedeng hayaang mapunta si Kriz sa kanya. Naging malapit din kami ni Brix sa isa't isa noon kaso nagkalabuan dahil kay Krizaiah. Nagkasuntukan pa kami noon dahil kinompronta niya ako sa pananakit ko sa damdamin ni Kriz. Dahil sa pangyayaring iyon, nagawa ko ring aminin kay Brix ang tunay kong nararamdaman para kay Krizaiah.

"Bakit ngayon pa, Philip?" tanong niya at nabaling sa daan ang tingin. "Matagal kang hinintay ni Krizaiah."

"Alam mo kung anong dahilan ko, Brix. Ngayon ay handa na akong ipaglaban siya," determinado kong sagot.

"Mahal ko si Krizaiah at gusto kong akin lang siya, Philip. Pero, nirerespeto kita, hindi dahil pareho tayong artist, kundi mahal natin si Krizaiah. May the best man win," turan ni Brix at inilahad pa ang kamay sa'kin.

Tinanggap ko iyon. "May the best man win." Masaya ako dahil hindi sakim sa pag-ibig si Brix. Nadarama kong tapat ang pagmamahal niya para kay Krizaiah.

Matapos ang eksenang iyon ay hinanda ko na ang sarili ko sa panliligaw. Hindi man alam ni Kriz ay pipilitin ko pa ring ipakita at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.

Masaya akong nag-abang sa One Sided Foodhouse para batiin ng good morning si Krizaiah. Ito ang unang araw ng panliligaw ko sa kanya at hindi ako mapapagod. Hindi ko na kasi siya makontak, marahil ay nagpalit na siya ng numero.

Tulad ng inaasahan ko, palagi nang si Brix ang naghahatid sa kanya sa trabaho. Ayos lang iyon sa'kin basta lang hindi pa sila.

Nagulat pa si Krizaiah nang makita ako. Nginitian ko siya na hindi niya naman pinansin. Dumiretso siya sa front door ng Foodhouse at bubuksan iyon. Nakatingin naman ako sa ganda niya at palihim na nangiti. Napakaganda niya talaga. Sinayang ko ang tatlong taon na hindi nasilayan ang angkin niyang kagandahan.

Heart's MasterpieceWhere stories live. Discover now