Chapter 10

495 15 11
                                    

Sick




Isang buwan... Isang buwan na akong may sakit at isang buwan na rin akong hindi pumapasok sa school

Nag alala sila mom and dad dahil ang taas daw ng lagnat ko at pinipilit nila akong magpa doctor pero tumatanggi ako


hindi puwede, ayoko dahil masasaktan lang ako.. saad ko sa aking isipan

Nakahiga lang ako ngayon sa kama at nakatalukbong ng kumot nang marinig kong magbukas ang pintuan ko kaya bahagya ko itong nilingon


"Medyo umaayos na ba pakiramdam mo?" pagtatanong ni Drake na may dalang tray na may pagkain at gamot

Dahan dahan akong umupo at binigyan siya ng isang mapait na ngiti


"yeah.. I can manage naman" mahina kong sabi na ikinatango nya

"bakit ba kasi ayaw mo magpatingin sa doctor? Bakit ayaw mo magpa ospital eh sobrang taas ng lagnat mo.. Baka mapano ka na nyan, Allira" nag aalalang sabi nya


"I-i just c-cant.. Ayoko lang talaga mag patingin sa doctor, hindi ko lang talaga kaya na pumunta sa ospital" na sabi ko na lang

"Fine, hindi ka na namin pipilitin. But at least alagaan mo manlang ang sarili mo, sobra kaming nag aalala para sayo hmm" siya kaya tumango ako at nagsimulang kumain habang pinapanood nya lang ako


Nakalimutan kong sabihin na Isang buwan na rin silang lahat na nanatili sa mansyon dahil gusto daw nila makasigurado na magaling na ako pag bumalik na sila sa mansyon nilang lahat

Ang sweet noh? Pero sana habang buhay nalang ganto ang takbo ng buhay ko, sana hindi sila mag bago, sana ganto parin sila


"Drake" kuha ko sa atensyon nya

"hmm?"

"Magkuwento ka naman sa sarili mo" bahagya akong nakangiti ng sabihin ko yon

"at bakit?" nakangising tanong nya


"wala lang.. Just wanna know you more" saad ko

"Syempre pogi ako" sabi nya at nag sign pa talaga ng pogi sign kaya natatawang naiiling ako sa inasta nya


Saglit na katahimikan ang namayani sa amin pero naputol ito ng tanungin ko muli siya at this time na sa bintana na yung paningin ko, may balcony kasi don at kita ko pa rin ang ganda ng araw

"kung isa akong Fairy na puwedeng tuparin ang kahilingan mo, ano ang wish mo?" tanong ko


"bat mo naman natanong yan?" natatawa nyang sabi


"sagutin mo na lang kasi" inis kong sabi na ikinatawa niya

"fine" he said then sighed


"Kung fairy ka at mag wiwish ako....hmmm?....Siguro hihilingin ko na sana gumaling ka na dyan sa lagnat mo and wish ko na sana matupad lahat ng gusto mo" naging seryoso siya nang sabihin nya ang mga huling salita

Just One MonthWhere stories live. Discover now