7

229 6 1
                                    


"O, ito na ang parte mo Eba." 

Inabot sa 'kin ni Emong ang limang daang piso na aking parte sa perang nakuha nila sa pag-aakyat bahay. Pagkatapos nilang magnakaw ay ibinebenta nila ito sa karatig bayan. Muling nagningning ang aking mga mata nang makita ang kulay dilaw na pera sa 'king palad.

Nakawalong daang piso na ko sa lingong ito at kung magtutuloy-tuloy ito ay siguradong malaking pera ang aking maiipon. Agad kong inisuksok ang pera sa 'king bra. Mas magaan kasi ang loob ko kung nandito ito nakalagay. 

"Saan ang susunod nating raket?" tanong ni Ton-Ton habang sumisipsip sa straw ng kaniyang soft drinks.

"Pahinga muna tayo. Palamig kung baga."

"Mainit pa sa mga tao ang nakawang nangyari kagabi kaya kailangan nating magpalamig."

"E, kelan ulit?" mabilis kong tanong. Hindi ko naitago ang kagalakan sa 'king boses.

Tumawa naman si Emong at ang iba pa sa 'king tanong. "Mukhang nawili ka sa 'ting trabaho Eba."

"Hindi hamak na mas malaki kasi ang kinikita ko rito kaysa sa mga mansanas."

Lumapit sa 'king si Ton-Ton at inakbayan ako, "sabi naman sayo e, gaganda ang buhay mo rito."

Nakangising tumango naman si Emong,"basta walang kakanta ni isa sa 'tin."

Nagsitanguan naman kami sa kaniyang sinabi. Ang kwento sa 'kin ni Ton-Ton ay mahirap daw kalabanin si Emong. May mga kapatid daw kasi itong kasali sa isang gang kung saan may mga illegal silang gamit. Noong isang araw kasi ay nagsabi ako kay Ton-Ton kung bakit hindi kami kumupit sa mga nanakaw naming wallet.

Babawasan sana muna namin bago ibigay kila Emong. O 'di ba mas malaki ang kikitain naming dalawa doon. Ang kaso binalaan na ako ni Ton-Ton na h'wag ko raw gawin dahil malilintikan kami ni Emong. Bubugbugin raw kami o baka mas malala pa. 

Alam kong naging gahaman ako sa mga oras na 'yon. Ganito pala ang pakiramdam pang nakahawak kana ng pera. Parang gustong-gusto mo humawak pa nang mas marami kaysa sa mayroon ka ngayon. Kaya siguro may mga mayayamang gahaman. Dati kasi ay nagtataka ako bakit may mga mayayamang sakim sa pera, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit.

Mahirap pala talagang umiwas sa tukso. Isang beses pa lamang akong nakahawak ng pera pero gusto ko na agad na dumami ito. Hindi ko sila masisisi, nakaaakit talaga ang pera.

Kaya rin siguro mas gusto ni Mama magtrabaho sa Manila kasi mas maraming pera roon. Ika nga niya mas bigatin daw ang mga kliyente niya roon. Kaya raw kaming palamunin ng isang buwan sa isa pa lang na kliyente. 

"Uwi na 'ko."

"Tara sabay na tayo."

Hindi pa rin inaalis ni Ton-Ton ang pagka-aakbay niya sa 'kin habang naglalakad kami. Naramdaman ko naman ang pamumuo ng pawis sa 'king batok dahil sa braso niyang nakadantay roon. 

"Ano ba 'yan Ton, ang init kaya."

Tinanggal ko ang braso niya na siyang ikinatawa nito. Inirapan ko na lamang siya. Ang kulay berdeng damo ang bumalot sa lupang aming nilalakaran. Ito lang ang gusto ko sa baryong ito kahit na may mga sasakyan nanatiling sariwa ang hangin, kumpara sa ibang lugar ayon ito kay Mama.

Ewan ko rin kay Mama, sabi niya nga ay mas malinis ang hangin dito pero pagdating naman niya rito ay lagi siyang naninigarilyo. Bakit mohahaluan ng usok ang hinihinga mong hangin kung gusto mo naman palang sariwa ito? Magulo 'di ba?

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong si Tere. Siya 'yung isa ko pang kaibigan dito simula pagkabata. Dumapo agad aking mga mata sa tiyan niyang may kalakihan. Agad na namilog ang aking mga mata nang mapagtanto kong may buhay sa loob no'n. 

"T-Tere,"

Ngumiti lamang siya sa 'kin nang malungkot, "kamusta Eba?"

"Ayos naman," hindi ko sigurado, kailan ba ako naging maayos?

"Ikaw ba, Tere?"

Hinawakan nito ang tiyan na halata ang pagka-uusli dahil sa dinadala nito. 

"Eto, magkakaroon na ng anak."

Naubo naman si Ton-Ton sa 'king tabi. Bobo ba nag isang ito? Hindi niya ba napansin ang tiyan ni Tere na kakaiba ang laki? Hindi naman mukhang busog si Tere dahil ang tiyan niya lang naman ang may laman sa kaniya. Minsan talaga hind ni Ton-Ton ginagamit ang utak niya.

"Sinong ama?" walang hiyang tanong ni Ton dito. 

Agad ko namang siniko sa sikmura so Ton-Ton dahil sa tinanong nito. Hindi iyon nakalagpas sa paningin ni Tere na siyang ikinatawa nito.

"Hindi ko alam e."

Napansin ko agad ang kalungkutan sa mata ni Tere nangsabihin niya nag mga katagang iyon. Paanong hindi niya alam? May ganoon pala talaga? Akala ko noong una ay nagdadahilan lamang sa 'kin si Mama nang tanungin ko siya kung sino ang tatay ko. Iniisip ko kasing paano mo makalilimutan nag taong gumalaw sayo? E ako nga tandang-tanda ko pa kung paano binaboy ni papa Efren noong trese lang ako. 

Pati ang pangbababoy sa 'kin ngayon ni papa Rupeng ay natatandaan ko, para bang nakaukit na ito sa 'king isipan pati pagkatao. Lagi kong naiisip na maruming tao ako. Kahit anong kuskos ang gawin ko sa 'king katawan para maging malinis ito, para tanggalin ang mga paghagod ng kanilang kamay sa 'king katawan ay walang itong silbi. 

Kaya hindi talaga ako naniniwalang hindi nila alam. Ang imposible lang kahit tulog ka yata ay magigising ka kung binababoy kana. Gusto ko na nga lang matulog tuwing binababoy ako para maisip kong isa lang iyong bangungot pero kahit anong gawin ko, gising na gising ako na ito ang buhay ko. 

"Paano ka?" 

Nagkibit balikat na lamang si Tere, "nandito na e, buhayin ko na lang ito nang mag-isa."

Naiyukom ko ang aking mga kamay nang marinig kong tawagin niya ng 'ito' ang anak niya, na tila ba isa lang itong bagay. Siguro kaya naging ganito ang reaksyon ko dahil sa trato sa 'kin ni Mama. Ramdam ko naman kasing hindi niya ako ginusto mangyari. Na parang napilitan lang siyang buhayin ako kasi 'nandiyan na 'ko' katulad nang sinabi ni Tere.

"Sana maging mabuti kang ina, Tere."

Agad akong tumalikod sa kaniya at naglakad na pauwi. narinig ko pa ang pa ang pagtawag sa 'kin nila Ton-Ton at Tere pero hindi ko na sila nilingon. Parang ako 'yung nasaktan para sa magiging anak ni Tere. Hindi ko lang matanggap na may mga inang ganoon. Hindi naman kasalanan ng anak nila na nabuo sila.

Pagalit kong binuksan ang pintuan sa bahay at agad akong nagtaka sa katahimikang bumungad sa 'kin. Bakit ang tahimik? Agad ang kinabahan dahil dito.

"Anna?" tawag ko sa 'king kapatid.

Kahit umaga pa lamang ay madilim ay medyo madilim sa loob ng bahay namin. Ni isang tao ay wala rito. Magulo ang bahay, nagkalat sa lapag ang mga bote ng alak at mga pakete na sigurado akong laman ay droga. Pati mga baraha ay nagkalat sa lamesa. Wala rin ang manika ni Anna sa kaniyang higaan.

"Anna?" muli kong tawag sa kapatid.

Wala.

Wala pa ring sumasagot.

Tangina na saan si Anna?

ClandestineWhere stories live. Discover now