Chapter 1: Where Are We?

420 16 0
                                    

Sobrang sakit ng tenga ko dahil sa nakakabinging matinis na tunog, pakiramdam ko'y umiikot ang aking paligid at halos hindi ko maramdaman ang buo kong katawan nang bumagsak ako sa isang matigas at malamig na sahig.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay medyo malabo pa ang paningin ko. Makalipas ang ilang segundo pagkatapos kong bumagsak ay tumigil na din ang nakakabinging tunog. Ramdam ko na mayroong papalapit sa akin kaya naman kinusot ko ang aking mga mata upang makakita ng maayos.

"Itayo ninyo sila." Narinig kong sambit ng isang lalaki pero medyo bata ang boses niya.

Mayroong dalawang makikisig na kamay ang tumulong sa akin upang makatayo kahit na medyo nahihilo parin ako.

Sh*t. Paniguradong dahil ito sa portal na humigop sa amin ni Owen.

Oh sh*t! Si Owen! Agad kong inilibot ang aking paningin kahit na hindi pa ito malinaw, at nang mapansin ko ang kulay black na leather jacket sa may kanan ko ay agad ko siyang nakilala. Si Owen. Mabuti naman at okay siya.

"Iupo niyo sila ng maayos." Utos na naman ng batang lalaki kanina.

Pinagtabi nila kami ni Owen sa isang upuan pagkatapos ay may itinurok sila sa aming leeg. Hindi ako gaanong nasaktan dahil hindi naman malaki ang gamit na panturok nila.  Pagkatapos nun ay gumaan at gumanda na ang pakiramdam ko. Hindi na umiikot ang paligid at luminaw na din ang paningin ko.

Gamot siguro ang itinurok nila.

Napansin ko ang kakaibang damit na suot nila. Ito ay para bang winter coat na purong puti at ang pangloob naman nila ay itim. Marami pala sila dito sa loob at lahat sila ay nakatingin sa amin.

Agad akong lumingon sa aking tabi upang i-check si Owen at sa palagay ko naman ay okay na din siya pero katulad ko ay naguguluhan parin sa mga nakikita.

Nasaan na ba kami?

Isang batang lalaki ang tumapat sa akin at sa palagay ko'y siya ang nagsasalita kanina.

"Uminom muna kayo." Saad niya at inabutan naman kami ng tubig ng kanyang mga kasama.

Buti nalang, sobrang uhaw ko na talaga. Mas nauna pa sa akin si Owen na maubos ang tubig niya pagkatapos ay narinig ko ang malakas niyang paghinga, ganun din ako, pakiramdam ko ba'y nagkaroon ulit ako ng lakas upang makapagsalita.

"S-sino kayo? Nasaang lugar kami?" Agad kong tanong sa batang lalaki na kaharap ko. Ngumiti lamang siya sa akin at tumingin sa mga kasamahan niya.

"Ikaw si Erin, ang land controller, tama ba?" Tanong niya then I gaze at my side to see Owen's reaction. Tumitig lang siya sa akin na para bang nagtatanong pero tumango nalang ako sa batang lalaki sa harap ko.

"Teka lang, sagutin mo muna ang tanong niya, nasaan ba talaga kami?" Singit ni Owen, nilingon siya ng batang lalaki pagkatapos ay lumapit sa kanya ang isa pa niyang kasamahan na kulay blonde ang buhok.

"Nagkaroon lang po malfunction sa portal at, naisama po siya dito." Sabi nito na may paggalang.

Anong malfunction at anong naisama lang? Tinutukoy ba niya si Owen?

Tumango naman ang batang lalaki at tumingin kay Owen. "Ano ang pangalan mo?"

"Sagutin mo muna kung nasaan kami." Napabuntong hininga nalang ako sa asal ni Owen. Ano ba yan. Ang ganda-ganda at malumanay naman ang pakikipag-usap sa amin ng bata pero heto siya umaastang iritado.

Pwede bang kalma lang lalo na at hindi ko pa sigurado kung mga kakampi ba sila. Baka kung anong gawin nila sa amin.

"Kailangan natin siyang ibalik Tim." Sabi naman ng lalaki na blonde ang buhok ngunit bahagyang umiling ang bata. Tumitig ito kay Owen sabay ngiti.

Unknown University Where stories live. Discover now