27

295 8 4
                                    


"The universe seems so small for us right now."


M E G A N


"Ma'am coffee po or juice?"


Mula sa pagkakatulala sa swimming pool namin ay napatingin ako sa katulong na nagtanong kung ano ba ang gusto ko inumin.


"Gin. Meron ba si mommy?" Seryosong tanong ko.


Sasagot sana yung katulong pero biglang lumapit si mommy. Sinabi niya na kuhanan na lang ako ng juice at cake na nasa ref. Umupo si mommy sa tabi ko.



"Baka gusto mo ishare sa'kin kung bakit kanina ka pa nakatulala?"



Umiling ako sa kanya, "Nothing. Just works."



Umiwas ako ng tingin. The truth is I've been thinking of that fucking reunion. Si Viy kasi kung ano anong sinasabi. Napapaisip tuloy ako kung aattend ba ako.



Narinig ko ang pag tawa ni mommy. "Manang mana ka sa daddy mo. Hindi kayo marunong magsinungaling."



Napatingin ako sa kanya. "Why? He lied to you?"



"I don't know. He keeps on lying na walang problema pero nararamdaman ko na merong problema."



Napakunot noo ako, "Like what? Don't tell me---"



"Hindi siya nambababae." Sagot kaagad ni mommy. So defensive. "Bumili siya ng condo malapit sa office. Hindi ko alam 'iyun. Nalaman ko nalang nung nabigay na sa kanya yung mga documents."



"Condo? For what?"



Dumating na yung juice at cake na pinakuha ni mommy. Tig-isa kaming inumin at pagkain. Huminga si mommy ng malalim bago uminom ng juice.



"Hindi ko rin alam kung para saan yung condo na 'iyun pero hindi na ako nagtanong. Kasi kung gusto niyang sabihin talaga, hindi ko na kailangan tanungin."



I always wander about my parent's love story. Hindi naman kasi nila sinasabi sa'kin at hindi rin ako masyadong nagtatanong. Simula pa kasi noon, puro business na sila. Kelan lang naman nag resign si mommy kasi gusto niya alagan din daw muna ako. Kaya lang pupunta naman ako ng States 'nun. She actually planned to also live in the US pero hindi niya daw maiwan si daddy.



"You know what, anak? Your lola keeps on telling me na si daddy mo ang pinaka-nagustuhan niya sa lahat ng manliligaw ko noon."



Ngumiti ako, "Why? Because he is workaholic?"



Hinampas ako ng mahina ni mommy, "Hindi. Kasi yung dad mo lagi niyang pinapalala sa lola mo na mahal na mahal niya ako. Ang daming pangarap ng daddy mo para sa'min. Sabi niya magtatrabaho daw siya para hindi daw ako mapapagod at mabibili ko lahat ng gusto ko. Nangako din siya sa lola mo na mamahalin niya ang mga magiging anak namin."



Napangiti ako sa sinabi ni mommy.



"Bihira na kasi ngayon yung lalaking mangangarap para sa inyong dalawa. Ngayon kasi parang puro fling nalang ang alam ng mga kabataan."



Napatawa ako, "Fling? Napaka-mellenial naman po." Pabirong sabi ko.



Napatawa din si mommy at napainom ulit ng juice. Muli kaming natahimik at ngayon parehas na kaming nakatingin sa swimming pool.



Kami rin naman ni Tanner noon, nangarap kami parehas. Kasama siya sa mga plano ko. Sabi nga namin pag pumasok ako sa kumpanya nila dapat mas magaling ako sa kanya. Parehas kaming mag-aangat nung kumpanya. Tapos bibili daw kaming maraming aso at sasakyan. Mag tatravel daw kami all around the world. Maggagawa kami ng maraming anak at titira kami sa Baguio.



The Playful Jerk (JERK SERIES 1)Where stories live. Discover now