rockzwell
Binasa ko ang mga nakasulat. May tatlong pangunahing rules.
Una: Kailangan naming umarte bilang isang masaya at nagmamahalang mag-asawa sa harap ng publiko, lalo na kapag may camera at sa mga opisyal na event ng palasyo.
Pangalawa: Sa loob ng Eastern Pavilion, bawal kaming mangialam sa personal na buhay ng isa't isa. May sarili siyang kwarto sa kanan, may sarili akong kwarto sa kaliwa. Bawal siyang pumasok sa kwarto ko, at lalong bawal akong pumasok sa kwarto niya.
Pangatlo, at ang pinaka-importante: Pagkalipas ng tatlong taon, kapag naging Hari na siya at kapag stable na ang buong monarkiya, palihim kaming magsasampa ng annulment paper. Maghihiwalay kami nang tuluyan, at babalik ako sa dati kong buhay na may kasamang malaking pera bilang kabayaran sa oras ko.
"May ballpen ka ba diyan?" tanong ko.
Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napalitan ito ng bahagyang gulat. "What?"
"Sabi ko, may ballpen ka ba? Black ink sana, kasi hindi raw legal pag blue minsan," kalmado kong sabi, nakalahad ang kamay ko sa kanya. "Pirmahan na natin 'to para makatulog na ako. Antok na antok na talaga ako eh."
"You're not going to argue? Hindi ka magrereklamo sa mga nakasulat diyan?"
Tumawa ako nang mahina at umiling. "Bakit naman ako aarte? Your Highness, naging honest na ako sa'yo mula pa noong umpisa. Andito lang ako dahil sa pamilya ko. Ayaw mo sa akin, at mas lalong ayaw ko sa'yo. Para tayong nasa group project sa school kung saan pareho tayong napilitan lang magkagrupo."
Kumuha siya ng isang mamahaling gintong fountain pen mula sa bulsa ng suit niya at dahan-dahang inabot sa akin.
Tatlong taon," pagpapatuloy ko habang pinipirmahan ang ilalim ng papel. "Pagtitiisan natin ang isa't isa ng tatlong taon. Aarte akong mabuting asawa sa labas, at bibigyan mo ng magandang buhay ang pamilya ko. Pagkatapos nun, malaya na ako. Makakapagtapos ako ng pag-aaral, makakapag-paint ako kahit anong oras ko gusto, at hindi ko na makikita yang palagi mong nakasimangot na mukha. Win-win tayo."