Nang mamatay ang mga magulang ni Jackie, bawat araw na lumilipas ay naging mahirap para sa kanya. Dahil sa mabigat na problema na kinakaharap nila ng kanyang kapatid na si Lisa, naisipan niyang iwanan ito sa bahay ampunan upang mailayo sa panganib at banta ng kahirapan. Nagsumikap siyang makahanap ng trabaho hanggang sa makilala niya ang isang lalaking nagngangalang Blake Griffin. Nagtrabaho siya rito bilang contract maid, nguni't hindi lang 'yon. Binabayaran siya ng malaking halaga nito para gawin ang trabahong tulungan itong makamove-on sa madalim nitong nakaraan. Marapat din niyang ibigay ang lahat ng bagay na inaasam ng binata lalong-lalo na ang minimithi nitong kakaibang sensasiyon sa katawan. Malaki ang parte ni Blake sa buhay ni Jackie. Dumating ang araw na tuluyan na silang nahulog sa isa't-isa. Pero katulad ng bawat nobela na ating nababasa, hindi lahat palaging masaya ang bida. Hindi inaasahan ni Jackie na ang buhay kasama ang binata ay magbibigay muli sa kanya ng panibagong sakit, problema at nakagigilalas na rebelasiyon sa buhay niya. At iyon ang unang pagkakataon na sinubok ng tadhana ang pagmamahalan nilang dalawa. BOOK COVER BY: ANA ARISTO ❤️