Mga aklat ang naging daan ni Catrionne Ellery Elfflane upang makatakas sa realidad, ang katotohanan na walang nagmamahal sa kanya sa mundong ito. Hanggang matagpuan niya ang isang kakaibang libro. Isang aklat na naging puno't ugat ng lahat. Ang aklat na nakatakdang yumanig sa kanyang mundo. Mga piraso ng lumang papel na magiging daan upang matuklasan niya ang isang misteryo na inakala niyang nananahan lamang sa isip ng mga tao. Isang lugar kung saan magsisimulang sumibol ang isang pag-iibigan na tatawid sa magkabilang daigdig. At ang bawat patak ng luha at dugo na dadanak upang maipaglaban ito. Ngunit may isang bahagi sa puso ko ang patuloy na bumubulong. Isang tinig na hindi ko mawari. Nais mo ba itong pakinggan? Sumama ka, sapagkat nasa kamay mo na ang kasagutan. This is story of a mythical world within our world where the magical story of two star-crossed lovers take place. *** Genre: Fantasy-Romance-Mystery-Action Status: It's Complicated (On-Going) Language: Informal Filipino/English Start Date: 04 | 017 | 017 End Date: Soon Written by: BlackCavalier