Prologue

289 13 15
                                    



Anong bagay ang pinakapaborito mo sa mundong ito?






Ito ba ang malawak at asul na kalangitan?






Ang malalim at bughaw na karagatan?






O ang matayog at luntiang kabundukan?






Sapagkat kung ako ang tatanungin, wala kahit isa sa mga ito ang pipiliin ko.






Dahil para sa akin, ang mundo ay puno lamang ng mga mapanghusgang tao.






Mga taong wala ng ginawa kung hindi ang saktan ako.






Sa totoo lang ay matagal ko ng hinahanap ang kagandahan sa mundong ito.






Ngunit tila bulag na ako.






Ito ang sanhi kaya't nagsimula kong mahalin ang mga libro.






Mga aklat na naging daan upang makatakas ako sa realidad, ang katotohanan na walang nagmamahal sa akin sa mundong ito.






Hanggang matagpuan ko ang isang kakaibang libro.






Isang aklat na naging puno't ugat ng lahat.






Ang aklat na nakatakdang yumanig sa mundo ko.






Mga piraso ng lumang papel na magiging daan upang matuklasan ko ang isang misteryo na inakala kong nananahan lamang sa isip ng mga tao.






Ang apat na sulok ng bawat pahina nito na magpapakilala sa akin sa isang natatanging tao at isang mahiwagang mundo--- ang Agharta, ang paraisong nakatago sa puso ng daigdig kung saan tayo nananahan.






Isang lugar kung saan magsisimulang sumibol ang isang pag-iibigan na tatawid sa magkabilang daigdig.






At ang bawat patak ng luha at dugo na dadanak upang maipaglaban ito.






Ngunit may isang bahagi sa puso ko ang patuloy na bumubulong.






Isang tinig na hindi ko mawari. Nais mo ba itong pakinggan?






Sumama ka, sapagkat nasa kamay mo na ang kasagutan.





***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Agartha: A Tale of Forbidden LoveWhere stories live. Discover now