"Love is blind", yan ang sabi ng karamihan. But for me? Love is not blind. Maybe the lovers are. Nabubulag sila sa larangan ng pag-ibig. Kaya rin daw ng pagmamahal ng gawing posible ang mba imposibleng bagay. Pero ilan lang ang pinaniniwalaan ko. You'll learn to love piece by piece, but that love will broke you piece by piece. Hindi ka pwedeng magmahal ng hindi ka handang masaktan. Para kang sundalo na sumabak sa gyera ng walang dalang armas. Mamamatay ka, paunti-unti. "I love you" He said. Pero hindi ako naniniwala sa kanya! Sa mga mabulaklak na salita na lumalabas sa bibig nya at ipinapakita ng sinseridad na mga mata nya. "No! You don't love me. Don't say you love me when you all did is to break me! Nasaan ang pagmamahal mo sa akin? Nandoon ba sa pagpatay mo sa akin ng paunti-unti? Sa pagwasak sa akin? Saan? Hindi ko mahanap sa mga salita mo. Hindi ko nakita sa'yo. Unti-unti mo akong pinapatay, Vrylle. Unti-unti mo akong ginagawang manhid. Namamanhid na ako ng dahil sa sakit. Tama na Vrylle. Wala na akong ikakawasak pa. Tama na." After I said it, I walked away. Leaving him with my broken pieces...