Malediction a magical word or phrase uttered with the intention of bringing about evil or destruction; a curse. *** Anak si Samus ng isang Reyna at Hari sa kaharian ng eden. Nag-iisang anak lamang siya. Isang araw, may napadpad na matandang pulubi sa kanilang palasyo. Humihingi ito ng makakain, at kung maaari ay makituloy na rin kahit isang araw lang. Ngunit, hindi ito pinagbigyan ng hari't reyna. Ipinagtabuyan nila ito. Kilala ang mga magulang ni Samus sa pagiging matapobre, at masamang pag-uugali. Dahil sa ginawa nito sa matandang pulubi, bigla na lamang nagbago ang anyo nito, at naging isang engkantada. Nagalit ito sa hari at reyna. Nagkataon naman na buntis ang reyna kay samus. Isinumpa ng engkantada ang bata na nasa sinapupunanan nito, pati na rin ang palasyo. Ginawa nitong marahuyong gubat ang kaharian ng eden. Namatay ang reyna pakatapos nitong manganak, namatay rin ang hari. Naiwan ang bata sa pangangalaga ng isa sa kanilang tagapag-silbi. Lumaki si samus sa marahuyong gubat sa pangangalaga ng isang babae na itinuring niyang nanay. Tanging ang mga dwende, ada, sirena, at ang dragon ang kanyang nakakasalamuha. Si Abel ay Prinsipe sa Kaharian ng Kalangitan. Isang araw, naisipan niya na tumakas sa palasyo sakay ng kanyang kabayong lalaki. Gusto niyang maranasan na maging malaya at maramdaman ang pagiging normal na tao kahit pansamantala. Kahit ngayong araw lang. Hindi niya namalayan na may sumusunod na pala sa kanya na mga tulisan. Naligaw siya. Hindi niya matandaan ang daan pabalik. Hanggang sa mapadpad siya sa marahuyong gubat. May pag-asa pa kaya na mawala ang bisa ng isang sumpa? ©iamyukiicross. June 8, 2017.
19 parts