Tadhanang mapaglaro. Tadhanang di inaasahan. Tadhanang walang alam sa buhay kundi makialam sa may buhay. Tadhanang nakakasakit. Tadhanang walang silbi. Tadhanang baliw. Pero si tadhana lang ba talaga ang dahilan? Sya ba talaga ang dahilan sa mga bagay na ang hirap pumili? Iisa lang puso pero bakit mahal ko sila pareho? Kailangan ko pa bang pumili? Kung pipili ako, may masasaktan sa isa sa kanila. Sino ba talaga?