Sa napaka unfair na mundong ito. Meron talagang best friend na napaka KJ dahil siya may jowa ikaw wala. Kaya ang lagi mo nalang papel sa buhay niya ay maging Third Wheel nilang mag jowa. Sinasama ka nila sa date nila para may taga-kain kapag manglilibre ang jowa niya, taga-kuha ng litrato nilang kapag sweet sila, maging photobomber nila, taga-kinig sa kwento nila tuwing may sweet moment sila at lalo na tuwing nag a-away sila. E pa'no naman ang mga Third wheel na tulad ko? Sana gumawa sila ng batas na kapag may jowa si best friend dapat gano'n din ang best friend niya para every body happy na. Jiesary Ross