18

4K 168 9
                                    

Natapos na 'kong mag shower.

Nag shower kasi muna ako bago kami pumunta sa Diner ni Seth para naman hindi na ako amoy alak. Nakakahiya sa kanya.

Nag bihis na lang muna ako ng short at sando. Kumuha na din ako ng jacket pero nilapag ko muna 'to sa kama kasi pupunasan ko pa muna ang buhok.

After kong gawin 'yon. Sinuot ko na 'yong jacket ko tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa sala kung saan nag ku-kwentuhan ang tatlo pero huminto sila nang dumating ako.

Nakatingin lang sila sa'kin at itong si Monica may nakaka lokong ngiti sa'kin.

May sinabi kaya si Seth sa kanila na nag pa-ngiti kay Monica?

"Anong meron?" Tanong ko.

"Wala." Si Seth ang sumagot. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya tsaka ito nag lakad papalapit sa'kin.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go?" He asked.

"Okay." Sagot ko. Kinaway ko lang ang kamay ko sa mag jowa bilang pagpapaalam tsaka na kami nag lakad palabas ng Rest House.

"May sinabi ka ba sa kanila?" Tanong ko kay Seth nang mapagbuksan niya ako ng pinto sa kotse.

He chuckled. "Wala! Muntikan lang na mahuli ni Monica si Klaus sa plano niya narinig niya kasi kami ni Klaus na nag uusap about do'n e. Pero napagtakpan naman agad 'yon ni Klaus."

"How?"

"He reverse it. He told Monica na may surprise ako for you at tutulungan niya daw akong itago sa'yo 'yon."

"Ohh!" I giggled. "Kaya pala gano'n ang ngiti niya sa'kin."

Sumakay na 'ko ng tuluyan ng kotse niya tsaka niya sinarado ang pinto at siya namang itong sumakay sa driver's seat. Pinaga niya lang ang makina tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa Diner niya.

Nang makarating naman kami. Pinark lang niya ang kotse niya tsaka kami sabay na bumaba.

Hinawakan naman niya ang kamay ko tsaka kami pumasok sa Diner niya. Kapansin-pansin ulit na ang daming costumer. Siguro dahil season talaga na maganda ang alon ngayon dito sa Siargao kaya madami-dami ang costumers ni Seth.

Dumiretso si Seth sa counter at sinabi dito ang order namin. Nang magawa niya 'yon, tumingin ito sa'kin.

"Sunshine, ma-upo ka na. Tutulong muna akong mag serve."

"Tutulong na din ako, may experience naman ako sa pag wa-waitress e. Nag part-time ako dati sa isang pizza house." I offered.

"Are you sure?"

"Yeah!"

"Okay!" Tinuro muna sa'kin ni Seth ang table numbers tsaka ako nag simulang tumulong sa kanya na mag serve at kumuha ng orders.

May pumasok ulit na panibagong costumers at nang ibaling ko ang tingin do'n isang pamilyar na lalake ang nakita ko na may iba pang mga kasama. Siya 'yong kaibigang surfer ni Seth... si Nikko.

"Hi Jies!" Bati niya nang makita ako.

"Hi Nikko." I greeted back.

"Good to see you again."

I smiled. "Same!"

"Bakit nag se-serve ka sa costumers?"

"I'm helping Seth."

"Okay. Pwede bang ikaw na lang ang kumuha ng order namin?"

"Yeah! Sure! Maupo na kayo."

Naghanap lang sila nang ma-pu-pwestuhang upuan tsaka ko naman sila inabutan ng menu. Binigay lang naman ni Nikko 'yong menu sa mga kasama niya para siguro ito ang pumili ng order nila. Pero itong si Nikko nakatingin lang sa'kin habang nakangiti.

Hanggang Kailan Ako Third Wheel?Where stories live. Discover now