Tsh tsh tsh yan ang lagi kong naririnig sa isang lalaking nag-ngangalang Denice Cynea, sino kamo siya? Siya lang naman ang nag-iisang lalaking iniibig ng aking bigong puso ika nga HOPELESS ROMANTIC ako, siya lang naman ang nag-iisang lalaking hindi ko maintindihan ang ikot ng bituka, isa pa siya lang naman ang lalaking kayang mag-pa ibig ng babae ng wala siyang ginagawa... WALA KASI SIYANG INTERES tanging libro, notebook, at grades niya lang ang importante sa buhay niya... Kailan nga ba siya magkakaroon ng interes sa mga katulad ko? Pag namatay na siya? Huwag naman.... Pero sana kapag nagkaroon siya ng interes... Ako ang una niyang mapansin at matipuhan, kapal ng peslak ko diba? Likas na yan