Nabulag si Demitrio Santos III noong bata pa siya dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya. Oo, hindi nga siya makakita pero malakas ang pakiramdam niya sa paligid. Hindi na lihim sa pamilya niya na nakakaramdam siya ng mga ibang elemento. Nagbago ang lahat nang napag desisyonan ng mga magulang niya na ipa opera ang mga mata niya. Yun na nga ang naging simula ng lahat. Hindi lang basta kaluluwa ang nakikita niya ngayon.