Sabi nila "Pag mahal mo, ipaglaban mo." Pano mo ipaglalaban kung may iba na syang pinaglalaban?..... I saw her that day from a far kissing her bestfriend in front of their house, di ako pwedeng magkamali sa nakita ko. That smile, I missed that smile. Yun yung ngiti nyang makikita mo rin sa mga mata nya na masaya sya. Akala ko hihintayin nya ako pag okay na ko? Eto oh, ayos na ayos na ko! Pero sa pagbalik ko pala, huli na ang lahat. Nasaktan ako.... Sobra akong nasaktan... Diba matagal ko ng hinihintay 'to? Na sya mismo ang lumapit para makipagbalikan? Diba dapat masaya na 'ko? Pero kasi ilang beses na akong nagpakatanga sa kanya noon, ilang beses na rin akong nagbulag bulagan sa mga masasakit na trato nya noon.. ....dahil nga mahal ko sya. Dadagdagan ko pa ba ang bilang ng pagpapakatanga ko para sa kanya? Lalo na alam kong may iba sya? HINDI! Hindi ganon kadali ibalik ang tiwala na minsan ng sinira. Bakit? Ang tiwala ba parang gravy sa KFC na pagnaubusan ay magrerefill ka lang? O parang shampoo na pag bigla kang naubusan ay bibili ka lang sa tindahan? Kung gusto nya talagang bumalik ako sa kanya.... PWES! MAGHIRAP SYA!! - "Akiara's Comeback"