"kuya please! Ayoko na silang maalala! Kuya! Iturok mo na sakin! Please lang ayoko na!" I'm begging for that formula. In just a shot then every memory will fade and never to be returned. "Katana, kapag ginawa ko to makakalimutan mo ang lahat paano na ang mga plano mo?" Kalmado subalit may halong pag aalala sa tinig niya. "Hindi pa naman nila alam na ako hindi ba? Hindi panaman nila alam kung sino hindi ba? Nasunog na lahat ng ibedensiya na ako. Kaya please kuya iturok mo na sa akin." Pag mamakaawa ko. Ayoko nalang maalala kung paano niya akong niloko. Pano niya ginawang miserable ang buhay ko. Ayoko nalang maalala. Kita ko sa mata ng kapatid ko ang pag aalinlangan subalit tumango ito. Nag papasalamat ako na siya ang kuya ko nag papasalamat ako na kahit ano pa ang naging kasalanan ko sa kaniya sa nakaraan ay pinatawad niya ako. Nakikita ko kung paano niya itinurok ang injection sa isang maliit na botelya kung saan nakalagay ang formula. Tumingin ito sa akin at pilit na ngumiti. Pumikit ako at ngumiti ng mapait habang nadarama ko ang pagkakaturok ng formula sa akin. Unti- unting nawala na ako at nilamon ng walang hanggang kadiliman. Kadilimang dati ay kinatatakutan ko. Ngunit siya ngayon ang takbuhan ko......... ********