"I'm not saying sorry because I kissed you. I'm sorry dahil ginamit ko ang kahinaan mo para magawa ang bagay na matagal ko nang gusto." Parang ninakawan ng kalayaang magmahal si Arica dahil sa isang kasunduan ng great-grandparents niya. Hindi pa man siya ipinapanganak, ipinagkasundo na siya nito sa apo ng kaibigan ng mga ito. "Kung hindi mag-iisang-dibdib ang dalawang apong itinakda, ang lahat ng kayamanan ng dalawang pamilya ay mapupunta sa iba't ibang charity institution. Ni isang kusing ay walang makakamit ang bawat miyembro ng dalawang angkan. Ngunit kung maipapakasal sila, magsasanib ang dalawang imperyo," anang lola niya. Ayos lang naman iyon sa kanya. Kaya lang ay dumating sa buhay niya sina Clyde at Ethan. Si Clyde ay ang lalaking ipinaramdam sa kanya kung gaano kasarap ang magmahal. Si Ethan ay ang apo na nakatakda para sa kanya. Ngayon, naiipit siya sa sitwasyon kung sino ang pipiliin niya. Ang lalaking nangakong mamahalin siya o ang lalaking pinangakuan niya ng pagmamahal?