Kabanata 2

1.5K 27 0
                                    


"SI JOSE RIZAL ay namuhay sa Berlin, Brussels....." wala sa sinasabi ng guro ang naliligaw na isip ni Arica. Masyado siyang engrossed sa binabasa niyang librong The Adventure of Tom Sawyer.

"At ng kinuha ni Rizal ang kanyang baril ay pintaputukan niya si Arica Flores hanggang sa ito'y bumulagta sa sahig." patuloy pa ng gurong si Mr. Cruz. Kasunod niyon ang maingay na tawanan sa loob ng silid.

Nanigas siya ng makita niya ang sapatos nitong nangingintab. Nakapatong iyon sa mesa niya. Agad niyang tiniklop ang libro.

"Nasa Timbukto na ba ang mga bida diyan sa binabasa mo Arica?"

"I'm sorry Mr. Cruz.." tumungo siya at inayos ang kanyang malaking salamin sa mata.

Ugh. Ano na kayang nangyari kay Thomas? Ang bidang lalaki ang tinutukoy niya sa libro. Asar naman kasi siya sa gurong ito. Mahilig nitong punahin ang mga estudyanteng babae. Isa kasi itong dakilang becky. Ewan niya kung bakit trip na trip nitong pag-tripan siya.

"This is not the first time I caught you doing nonsense inside of my class. Manalangin kang hindi ko ito isumbong sa headmistress." Isang irap ang ibinigay pa nito sa kanya.

Hindi na niya kailangan manalangin dahil gawin man niya iyon o hindi ay alam niyang itutuloy pa rin nito ang banta.

Bumuntong-hininga na lamang siya at iginala ang tingin sa kanyang mga kamag-aral sa subject na Rizal. Nagtama ang mata nila ni Clyde Hermoso. Ang starplayer ng baseball team ng Unibersidad. Ngumiti ito sa kanya sabay kindat. Agad niyang binawi ang tingin dito dahil tiyak niyang pulang-pula na ang kanyang pisngi sa sobrang hiya. Dahil iyon lang naman ang unang pagkakataon na nagtama ang mga mata nila ng lalaking lihim na hinahangaan niya.

Oh my! oily pa naman ang mukha ko. Nagpapanic na sigaw ng isip niya. Kumabog bigla ang dibdib niya.

Eh ano naman, as if papansinin niya ang isang tulad mo. Kontra naman ng kabilang isip niya.

Oo nga naman. Sino ba naman siya para pagtuunan ng pansin ng isang dakilang Clyde Hermoso. Isa lang naman siyang ordinaryong estudyante sa paaralang iyon. Walang sino man ang magtatapon ng second look sa kanya. Sa damit pa lang niya, tiyak na pati insekto ay mahihiyang lumapit sa kanya. Siya ang tampulan ng tukso sa level nila. Mukha siyang ghotic princess sa palaging suot niyang hanggang sakong na itim na palda, hanggang sikong long sleeve black shirt. Wala silang official uniform kaya malaya ang lahat na maging fashionista wannabe. Kulot na kulot rin ang kanyang kulay mais na buhok. Hindi niya kasalanan kung iyon na ang mga damit na nakasanayan niya. Wala siyang pakialam sa iniisip ng mga tao. Iyon ang mga damit na komportable siya at walang makakapagbago niyon.

*******

"ANO bang meron sa building na iyan at parati mong tinititigan?" tanong kay Aica ng kanyang bestfriend na si Lily. Nakaupo sila sa isang bench. Nakaharap sa tinatawag ng buong pacificonians na Black Building. Isang saradong lumang library iyon. Maraming kababalaghan at mga kwentong barbero ang nakapaloob sa establisimentong iyon.

"Lily, There is something about that building. Parang diyan ko makikita ang sagot sa bagay na matagal ko nang hinahanap."

Tumirik ang mga mata nito. "Aica ha, huwag mong sabihing totohanin mo ang mga ibinibintang sa'yo ng mga tao. You are not a psychic friend. Puno kaya ng scary stories ang building na iyan."

"Alam mo bang sa akin nakasalalay ang kaligayahan ng lola ko. Kailangang mahanap ko iyon. Dahil ayokong mabigo si Lola Socorro sa akin." wala sa sariling sambit niya rito.

"You mean, ang grandmother mo? Hindi mo pa rin makalimutan ang kwento ng lola mo tungkol sa kwentas na iyon. Gosh Aica, isandaang taon na ang nakalipas mula ng mamatay ang prinsesa na iyon. Huwag mong seryosohin ang mga kwento ng lola mo noh'."

Wala itong ideya sa likod ng kwento ng Lola niya. Pahapyaw lamang ang mga nakuwento niya rito. Ang lihim ng pamilya ay mananatili sa bawat miyembro nila.

"Wala kang ideya kung gaano ito kaimportante sa lola ko at sa aming buong angkan." malungkot na sabi niya. Tumanaw siya sa malayo habang sinariwa ang mga huling habilin ng kanyang Lola Socorro.

*********

"AICA,hija, mabuti't dinalaw mo ako apo. Aba'y pagkagandang bata mo na." ngumiti at nagmano ang labing isang taong gulang na si Aica sa kangyang Lola Socorro. Ina ito ng kanyang Papa. Dinalaw nilang mag-anak at ng mga pinsan niya ang lola nila dahil sa nalalapit nitong kaarawan. Mag-i-istay silang lahat sa loob ng tatlong araw sa ancestral house na iyon ng Papa niya. Matanda na ang lola niya sa edad na ninety three going ninety-four. Ngunit malakas pa rin ito dahil na rin sa maalaga ito sa katawan noong kabataan pa nito.

Lumabi siya sabay yakap rito ng mahigpit. "Lola naman, palagi mo na lang akong binobola eh." siya ang bunso sa lahat ng magpipinsan kaya siya ang paboritong apo nito.

Napuno ng kasiyahan ang araw ng kaarawan ng lola niya. Naging memorable iyon sa bawat miyembro ng pamilya. Bago matapos ang gabi ay isinama siya ng lola niya sa kwarto nito. Matagal nang panahon mula ng makapasok siya sa loob niyon. Gawa sa kahoy ang ancestral house kaya pawang mga narra at iba't ibang uri ng kahoy ang interior ng silid ng Lola niya. Sa west side ng kwarto ay nakasabit ang wedding picture nito at ng Lolo Marcus niya.

May kinuha sa walk in cabinet ang lola niya. Isa iyong munting gold treasure box na kasing laki ng isang kahon ng sapatos. Umupo ito sa kama at iginiya siya sa tabi nito.

Nang buksan nito iyon ay tumambad sa kanya ang dyamanteng hugis puso. Halos lumuwa ang mata niya sa ganda at kinang niyon. Ngunit biniyak na puso iyon, tila ba sadyang ginawa iyon para sa dalawang tao.

"Ito ay ipinamana sa akin ng Mama. Sabi niya ibigay ko raw ito sa aking bunsong anak na babae. Pero alam mo namang puro lalaki ang anak ko," ngumiti ito ng bahagya. Itinaas nito ang kwentas. Tila nagliwanag ang kwartong iyon ng tumama sa dyamante ang sinag ng buwan buhat sa nakabukas na bintana.

"Ikaw ang magmamana nito apo ko. Dahil ikaw ang babaeng bunso ng buong pamilya. Pag-highschool mo ay pupunta ka na ng Isla Bellizima. Hindi mo na ako makikita." isinuot nito ang kwentas sa kanya.

"Talaga po, Lola, akin na to'? Pero bakit biniyak siya? Sayang naman at sinira ito." hinaplos niya ang dyamante na halos kasing laki lamang ng isang holen.

"Apo, sadyang biniyak ang kwentas. Halika't tumabi ka sa akin at ikukwento ko sa'yo ang istorya ng dyamanteng iyan."

Halos madaling araw na siyang nakatulog dahil sa mga kwento nito. Kinaumagahan ay nagimbal siya ng malamang wala na ang lola niya. Wala na itong buhay ng gigisingin sana ng Uncle niya.

Promise po Lola. Hahanapin ko ang taong magbubuo ng kwentas na ito. Lumuluhang pangako niya sa matanda.

'ILL GIVE MY LOVE TO YOU (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora