[ C O M P L E T E ] PUBLISHED UNDER BLUE SKY PRESS PUBLISHING (BSP) 💕 Sa bagong katauhan ni Thyrone Miller ay hindi naging madali ang muling pagpasok ni Gethca sa kanyang buhay. Sa muli nilang pagkikita, kaugnay ng sakit na bakas ng nakaraan ay hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa ang sitwasyon. Subalit malaki ang pinagkaiba ng nakaraan sa kasalukuyan, bukod sa iniingatang pagkatao ni Thyrone ay iniingatan din niya ang kanyang reputasyon para sa ibang taong nakakakilala sa kanya. Ngunit paano kung bumalik muli kay Gethca sa kanyang isipan ang mapait na kahapon upang itulak papalayo si Thyrone? Gaano nga ba kasakit ang nakaraan para hindi kaagad mapunan ng magagandang alaala? Magagawa kayang itama ang nakaraang pagkakamali sa pamamagitan ng pag-ibig?