Maria Meldy Martin never knew she would fall in love with her sworn nemesis, Morriz Evry Guillermo. Ang bukod tanging lalaking kayang painitin ang ulo niya makita niya pa lamang ang bulto nito. Hindi niya alam kung paano at saan nagsimula, basta nagising na lamang siya isang araw, na tumitibok na ang puso niya dito ng hindi normal at sumisigaw na ng pagmamahal. Sinubukan niyang pigilan ng husto ang nararamdaman, lalo pa nga't ang gusto ng lalaki ay ang kanyang kaibigan na siyang kasintahan naman ng nakakatandang kapatid ng binata. Ngunit sadyang sutil ang kanyang puso, at sumugal itong paibigin ang binatang wala na yatang ibang kayang gawin kundi ang saktan lamang siya. Hanggang saan nga ba niya makakayang mahalin ang isang Morriz Evry kung naibigay naman na niya ang kanyang lahat lahat ngunit hindi pa din nito magawang ibigin man lang siya? Tama lang ba ang sumuko na kung wala nang halos sayo'y natira? Kailan ba dapat umalis at sumuko? Tunghayan ang masakit at kakaibang kuwento ng pag-ibig ng isang babaeng kayang ibigay ang lahat sa kanya sukdulang wala nang matira pa.