Si Sydd Keifer Willsons ay isang mag-aaral ng Dantolf High isang prestihiyosong paaralan sa syudad ng Westland. Si Keifer ay masayang nagaaral kasama nang kanyang mga kaibigan nang isang araw may isang transferee na naging kaklase niya at kalaunan ay naging isang kaibigan. Pero hindi niya alam na ang nararamdaman pala niyang iyon sa dalaga ay may hihigit pa. Handa na sana siyang magtapat dito nang nararamdaman nang malaman niyang nakatali na pala ito at ang masaklap pa ay ang matalik pa niyang kaibigan ang fiance nito. Ano na ang gagawin niya? Ipaglalaban ba niya ang kanyang nararamdaman sa dalaga o susuko nalang siya at ipapaubaya nalang ito sa kanyang kaibigan?