Part-time cleaner si Erin sa kompanya ng Lee Construnction Corporation at sa ilang buwan na paninilbihan niya sa kompanya ay ni minsan ay hindi pa niya nakikita ang may-ari niyon. Maraming sabi-sabi na may pagkahalimaw daw ang boss nila. Hindi rin naman niya pangarap na makita ito. Pero mapaglaro ang tadhana nag-krus ang mga landas nila ni Dylan Lee ang halimaw niyang boss. Ito na ang simula ng kanyang kalbaryo. Pero kalbaryo nga bang maituturing na makasama at pagsilbihan ang ubod na gwapo niyang boss?