Chapter 1

668 13 1
                                    


Madaling araw na pero hindi pa rin tapos si Erin maglinis, lagi niyang huling nililinis ang pinaka taas na bahagi ng building ng LCC dahil balita niyang laging late umuwi ang CEO nito. Minsan naiinis pa siya dahil imbes na makauwi na siya para makapagpahinga ay hindi niya magawa dahil inaantay niyang umalis ito para linisin ang opisina nito.

"Ano kaya ang itsura ng CEO ng kompanya? Siguro matanda na to, masungit at baka DOM pa." Natawa siya sa naisip.

Bali-balita dito na ubod daw ng sungit ang may-ari ng kompanya at wala itong pinapalagpas na pagkakamali.

"Hmp! Hindi ko rin naman siya gusto makaharap!" At nagmartsa siya papunta sa loob ng opisina ni Mr. Dylan Lee.

Pagkatapos niya mag linis ay naginat-inat pa siya tsaka napagpasyahang lumabas ng opisina, hindi na niya napansin ang mga yabag na papalapit.

"Bwiset talaga napakawalang kwenta ni Mr. Chen! Walang silbi, ako pa rin gagawa ng trabahong ini-utos ko!" Paghihimitok ni Dylan habang pabalik sa opisina. Kelangan niya tapusin ang isang importanteng presentation para sa isang client. Ibinigay niya ang task na ito kay Mr. Chen pero wala itong mapakitang matinong presentation. Nararamdaman niya na wala pa rin sa kanya ang loyalty ng mga empleyado ng kompanya dahil iniisip ng mga ito ay hindi niya kaya.

Saktong paglabas ni Erin at hindi sinasadyang nabangga niya ang isang lalakeng matangkad at naka suit. Hindi sinasadyang nadikit niya ang basahang ginamit niyang pampunas kanina, awtomatikong napalayo siya at yumuko para humingi ng paumanhin.

"Nako Sir! Sorry po! Hindi ko po talaga sinasadya." Apologetic niyang sabi habang nakayuko pa rin.

"Shit What a day! Tanga ka ba? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

Galit na sabi nito.

"Sorry po talaga Sir nagulat po ako kasi'y wala namang tao pag naglilinis ako ng ganitong oras kaya di ko kaya napansin." Nakayuko pa rin siya.

"What a reason! What do I look to you? Do you think I'm not human? Ha? Magsalita ka mukha ba akong multo? Tumingin ka pag kinakausap ka! Ang tanga mo kaya hanggang itong trabaho lang nararating ng mga katulad mo!" Sobrang inis niya ngayong araw na ito dagdagan pa ng babaeng 'to.

Nagpanting ang tenga niya sa pangiinsulto nito masyado siyang hinahamak ng taong ito. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin dito, naumid ang dila niya ng makita ang itsura nito. Mataas itong lalake, gwapo, maputi, chinito at may matangos na ilong mukhang nasa mid twenties na ang binatang kaharap.

Si Dylan rin ay nagulat ng makita ang kaharap, hindi kantangkaran ang babae pero maputi at napakaganda nito para maging isang cleaning staff ng company nila. Pero sorry na lang ito at mapagdidiskitahan niya ito dahil sa init ng ulo niya.

"Anong tinitingin mo ha? Magsalita ka! Sinasayang mo oras ko!"

Napakurap siya pagkakatulala dito, hindi porket gwapo ito ay uurong na siya.

"Hoy kung sino ka mang antipatikong lalake ka wala kang karapatan sabihan akong tanga at hamak hamakin ako parehas lang tayong tao!"

Napatanga si Dylan tanang buhay niya ngayon lang siya nasagot lalo na't empleyado niya lang.

"The nerve to say that to my face you're just my mere employee!" Gigil nitong sabi.

Bago niya talikuran ito ay lumapit siya rito, nabigla si Dylan akala niya'y sasampalin siya nito. Inilagay nito sa bandang dibdib niya ang panyo nito ng ubod ng lakas.

"Ayan linisin mo, masyado kang mareklamo."

Natulig siya sa kinatatayuan kaya dali dali itong umalis pa papunta ng elevator, bago pa siya makapag salita ay nakasakay na ito, at narinig niya pang sabi nito na: "Tinatanong mo ako kung ano tingin ko sa'yo? Impakto ka!" Tsaka nag sara ang elevator. At binelatan pa siya nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Monster CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon