Mahilig magbasa ng libro si Dianne ng mga na may kinalaman sa mga kabihasnan. Karamihan sa mga ito ay may mga mahahalagang parte na may kinalaman sa isa sa malalaking pagbabago sa buhay niya. Nagkataong may talakayan silang dapat gawin at s'ya ang nakatakdang tapusin 'yon. Tungkol ito sa kabihasnang Shang na dapat n'yang aralin. Kinuha n'ya ito at binasa, naghalo-halo sa isipan nya ang mga kabihasnan at unti-unting nawawala sa wisyo. Aksidenteng natulugan n'ya ito habang binabasa ngunit 'pag gising nya ay iba na ang tumambad na lugar sa kanya. Sa lugar ng Tsina, sa lugar ng unang panahon, sa lugar ng librong kan'yang binabasa. Sa kabihasnang Shang na kung saan ay kan'yang hinangaan ng lubos. Ngunit paano na lang kung makikilala n'ya ang hinirang na Emperador? Paano kung mahulog s'ya sa bitag na dahilan ng pagbagsak ng emperyo. Subaybayin natin ito.