Sanay na si Donna na palaging sinesermonan ng kaniyang Amang Hari at ng kaniyang Inang Reyna sa pagiging magala niya sa mundo ng mga tao. Matagal na kasi siyang may napupusuan na tao. Pero bilang isang prinsesa ng kaharian ng Pusitmenia, kailangan niyang manatili sa mundo ng mga diwata upang akuin ang isang mabigat na responsibilidad. Ngunit nang makaharap sila ni Heinz at naramdaman niyang mahal na rin siya nito ay tinalikuran niya ang kaniyang mundo. Pinili niya ang mundo ng mga tao. Pero bakit nang kasama niya na ito sa iisang mundo ay parang lumalaki naman ang puwang sa pagitan nila at nagiging imposible na mahalin nila ang isa't isa?