Sunod sunod na tumulo ang luha sa kanyang mga mata, hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Mahal na mahal kita Estella... Wag na wag mo akong kalilimutan ako si Sandro tandaan mo mahal ko. Yan ang katagang binitawan niya bago tuluyang lamunin ng liwanag ang lahat. Hinahabol ko ang aking hininga pagkagising ko. Yun ulit napanaginipan ko na naman ang lalaking yun. Ngunit ganun parin malabo parin ang kanyang mukha. Sino kaya ito at anong kaugnayan ko sa kanya? Urggh napakamot ako sa aking ulo. Hindi na ako makatulog kaya kumuha muna ako sa libro upang basahin. Naupo ako sa aking kama at pinamasdan ang libro aking nakuha. Tandang tanda ko pa nung binigay sa akin ito ng aming school librarian. Lumang luma na ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuklat. Dahan dahan ko itong binuksan, nakasulat at nakalarawan rito ang nakaraan ng Pilipinas. Nang mabasa ko ang unang Chapter ay napagpasyahan ko na itong ibalik dahil inaantok na uli ako. Ngunit habang binabalik ko ito ay nahulog ang nakatuping papel. Binuklat ko ito at binasa ang lilalaman Napa-upo ako sa gulat at napahawak ako sa aking bibig. Nangilid ang aking mga luha at unti unting remehistro sa akin ang mga katagang sinambit ng lalaki sa aking panaginip.