MODERN TARZAN MEET URZULA Meet Tarzan, ang lalaking nasa kanya na daw ang lahat, kayamanan, kagwapohan, kaibigan at kababaihan. Wala nang hinihiling pa sa buhay si Tarzan, dahil lahat ng gusto niya na-achieve niya na. Ngunit... sadyang mapaglaro ang tadhana, nalaman ng kanyang ama ang lahat ng pinag-gagawa niya at bilang kaparusahan pinatapon siya sa kanilang probinsya sa Hermanas. Isang malaking hacienda na pinangangalagaan ng mga mamamayan duon, pagmamay-ari ito ng kanyang ama. --------- Meet Urzula, ang babaeng walang ginawa kung hindi magpasaya ng pamilya, kilalang kilala siya sa Hermanas dahil sa angking ganda nito. Halos lahat ng lalaki sa baryo ay gusto siyang makuha. Ngunit... wala sa bukabularyo niya ang salitang umibig, ni isa sa mga manliligaw niya ay wala siyang sinagot. Hindi dahil sa ayaw niya, sadyang wala sino man sa kanila ang nagpabilis ng tibok ng puso niya. ---------- Paano magtatagpo ang landas ng babaerong si Tarzan at ang probinsiyanang si Urzula. May mamumuo kayang pagiibigan ang dalawang magkaibang pamumuhay? Abangan... ⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME