Sabi ng karamihan, kapag mahal mo ang isang tao, dapat kaya mong tanggapin lahat ng meron siya, kaniyang nakaraan, mga maling nagawa, ugali na meron siya. Ngunit, kaya mo pa kayang sabihin at panindigan ang kasabihang ito kapag natuklasan mong ang iniirog mo ay nakapatay, pumapatay at kumakain ng tao? Matatanggap mo pa ba siya, kapag nalaman mong marami siyang itinatago at itinago sayo? Lahat ng katanungan na iyan, ay masasagot ng mga karakter sa istoryang ito. Halika na't subaybayan kung paano malalagpasan ng mga karakter ang mga pagsubok na nakalatag sa kanilang daan. Alamin din ninyo kung ang mga pagbabagong magaganap sa personalidad ng bawat karakter na dulot ng mga hamon sa buhay na kanilang kinaharap at kinakaharap. Tunghayan rin natin, kung mapapatunayan ng dalawang karakter sa kwento ang kasabihan na "love conquers all."