"Never been kiss, never been touch." 'Yan ang mga dahilan ng dalaga kung bakit pilit hinahanap ang estrangherong mapangahas na humalik sa kaniya noong gabing naganap ang party. Ngunit saan naman niya hahanapin ang lalake ganoong madilim ang kabuuan ng kuwartong pinangyarihan? Tanging palatandaan lamang niya ay ang maikling buhok at magaspang na balahibo sa mukha nito. Isa pa sa problema niya. Ilang araw pa lamang ang bagong palit na anak ng may ari ng kumpanya, nakaramdam na siya ng pagkainis sa binata dahilan kung utusan siya tila ba ang tingin nito sa kaniya ay isang alila. Pero minsan, naiisipan din niyang magtanong sa binata kung nakadalo ba ito noong gabing maganap ang party. Ngunit sa bawat pagbabalak niya, palagi siyang napapautrong at kinakabahan dahilan sa mga titig nitong tila tutunawin siya. Writer: Bhec Cortez Starting to write : Aug 21,19 Genre: Teen fiction / General Fiction