Isang ordinaryong dishwasher/server si Amy sa restaurant na kung tawagin ay Cheesecake Factory, pero isang gabi, nagbago ang kanyang kapalaran ng makaengkwento niya ang theoretical physicist na si Sheldon Copper. Iniligtas niya ito sa tangkang pagpapakamatay at iniligtas rin naman siya nito para hindi siya mapalayas sa inuupahang apartment sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng raket bilang pretend girlfriend nito. Yun nga lang, sa kasamaang palad, ang puso niya ang hindi nakaligtas sa pagkahulog sa lalaki. Na-in-love siya rito, subalit kung kailan inakala niyang tunay nang nagkaroon ng "agreement" ang kanilang mga puso, saka naman siya sinampal ng isang masakit na katotohanan tungkol sa lalaki. Mananatili kayang hanggang sa papel nalang ang kanilang relationship agreement?