Lumaki si Gabi na malayo ang loob sa daddy niya dahil lumaki siyang hindi nadama ang pagmamahal ng daddy niya sa kanya bilang anak. Inakala niyang siya ang sinisisi ng ama sa pagkamatay ng ina niya. Lalo pang lumaki ang pader sa pagitan nilang mag ama ng mag asawang muli ang daddy niya, si Alegria del Valle. Nasa London siya noon at nag aaral ng mas piliin ng daddy niya ang bagong asawa nito over her. After five years ay umuwi siya ng Rancho del Castillo para lamang magulat dahil iba na pala ang may ari ng rancho nila, si Gary del Valle, ang nag iisang anak ng step mother niyang si Alegria. Paano na? Inagaw na ng mag inang ito ang daddy niya, pati ba naman ang rancho? Paano na rin ang damdaming unti unting umuusbong para sa binata kung hindi naman siya nito pinapansin. At nasasaktan ang puso niya doon, lalo na ng makilala niya ang napakaganda nitong girlfriend.