Kaibigan, isang salita, apat na pantig, walong letra Ngunit hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga Kaibigan, sadyang nilikha para sa isang tulad mo Sa isang tulad mong 'di mabubuhay ng mag-isa sa mundo Oo, kaibigan, ang lagi mong kasa-kasama Ang nakikinig sa lahat mong drama Ang tanging taga-lait na puno ng pagkaprangka Ngunit handa ka namang ipagtanggol sa lahat ng kontrabida Marahil ay hindi mo lamang napapansin Pero lagi siyang nand'yan sa anumang lakbayin Paglayuin man kayo ng mga kanya-kanya niyong prayoridad sa buhay Sa tunay na magkaibigan, walang distansyang magpapawalay Hindi naman mawawala ang sama ng loob o tampo Pero garantisado, hindi naman lilipas ang araw, magbabati rin kayo. Walang kaibigang kakayaning magtiis Lahat ng away madadaan yan sa "sorry na please" Kung love life ang pag uusapan, hindi papatalo ang kaibigan Bago ko pa sagutin ang manliligaw mo, nand'yan na yan Nung araw na 'in a relationship' ka na, hindi siya umalis sa tabi mo Kahit nga nung first heart break mo, dumadamay pa rin siya sayo Mapagod ka man at sumuko na ng tuluyan Ang isang kaibigan, hindi magsasawang ikaw ay damayan Hindi titigil na maging sandigan Lalo na sa mga oras na higit mo siyang kailangan Dumagsa man ang mga taong sayo'y naiinggit Rumagasa man ang mga elementong binabagsak kang pilit Sa isang kaibigan, doon ka lumapit 'Di ka pa man nagsasalita, alam niya na ang hirap, alam niya na ang sakit Kaibigan, oo kaibigan Barkada, tropa, o kahit ano pa Narito ako't nagpapakilala Sa lahat ng nabasa mong tumutugmang linya Sana nalaman mong ika'y mahalaga Mahalaga sa kaibigang tulad ko na totoong kilala ka Ako ang kaibigan mong kasama sa tuwina. (Credits to Fall in Arts) Yan ang nabasa ko sa isang Page dito sa Facebook habang ako'y nag papalipas ng oras, alam mo yun? damang-dama minsan mapapaisip ka nalang ng "Oo nga no? Ang galing, tugma sa nararamdaman ko."