PROLOGUE

50 4 0
                                    

"Kaibigan, isang salita, apat na pantig, walong letra
Ngunit hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga
Kaibigan, sadyang nilikha para sa isang tulad mo
Sa isang tulad mong 'di mabubuhay ng mag-isa sa mundo

Oo, kaibigan, ang lagi mong kasa-kasama
Ang nakikinig sa lahat mong drama
Ang tanging taga-lait na puno ng pagkaprangka
Ngunit handa ka namang ipagtanggol sa lahat ng kontrabida

Marahil ay hindi mo lamang napapansin
Pero lagi siyang nand'yan sa anumang lakbayin
Paglayuin man kayo ng mga kanya-kanya niyong prayoridad sa buhay
Sa tunay na magkaibigan, walang distansyang magpapawalay

Hindi naman mawawala ang sama ng loob o tampo
Pero garantisado, hindi naman lilipas ang araw, magbabati rin kayo.
Walang kaibigang kakayaning magtiis
Lahat ng away madadaan yan sa "sorry na please"

Kung love life ang pag uusapan, hindi papatalo ang kaibigan
Bago ko pa sagutin ang manliligaw mo, nand'yan na yan
Nung araw na 'in a relationship' ka na, hindi siya umalis sa tabi mo
Kahit nga nung first heart break mo, dumadamay pa rin siya sayo

Maaaring sawa ka na sa masalimuot na takbo ng mundo
Oo, siguro pagod ka na sa hirap at sakit na nararanasan mo
Pero hayaan mong masabi ko sayo
Hayaan mong isalaysay ko kung ano ang totoo

Mapagod ka man at sumuko na ng tuluyan
Ang isang kaibigan, hindi magsasawang ikaw ay damayan
Hindi titigil na maging sandigan
Lalo na sa mga oras na higit mo siyang kailangan

Dumagsa man ang mga taong sayo'y naiinggit
Rumagasa man ang mga elementong binabagsak kang pilit
Sa isang kaibigan, doon ka lumapit
'Di ka pa man nagsasalita, alam niya na ang hirap, alam niya na ang sakit

Kaibigan, oo kaibigan
Barkada, tropa, o kahit ano pa
Narito ako't nagpapakilala
Sa lahat ng nabasa mong tumutugmang linya
Sana nalaman mong ika'y mahalaga
Mahalaga sa kaibigang tulad ko na totoong kilala ka
Ako ang kaibigan mong kasama sa tuwina."

(Credits to Fall in Arts)

Yan ang nabasa ko sa isang Page dito sa Facebook habang ako'y nag papalipas ng oras, actually dito lang ako nag babasa ng mga Poems ang gaganda kase ng mga gawa nila, may mga laman, may mga punto, gawa sa puso lahat ng mga post nila. Alam mo yun? damang-dama minsan mapapaisip ka nalang ng "Oo nga no? Ang galing, tugma sa nararamdaman ko."  Ang sarap sa pakiramdam ng katahimikan at kapayapaan.


"Why are you here?" I asked 

"Why.are.you.here." May diin at gigil niyang tanong, "Pinuntahan kita sa klase mo, guess what wala ka dun." Nakakunot noo niyang sabi sakin habang nag lalakad.

"Alam ko naman na yung ididiscuss ni Ms. Lorenzo, tsaka nagpaalam ako sakanya." sabi ko habang nakatingin pa rin sa mga ibong lumilipad.

"Nag paalam ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, bat parang dika makapaniwala dyan? bago nga ako paalisin ni Ms. may tinanong muna siya tas nong nasagot kona tsaka niya ako pinayagan." sabi ko

"Ano naman tinanong sayo ha?" tanong niya

"What exactly is a chemical, tapos sabi ko "A chemical by definition is any substance consisting of matter; this includes solids, liquids, and gas. Chemicals can either be of a pure substance or a mixture of substances. A chemical substance such as water (H2O) is a pure chemical because it has the same molecules and combination throughout its structure."

"Yun lang at pinayagan kana niyang mag skip ng klase niya?" saad niya.

"Not really, mga 10 questions siguro yun katulad ng;

Why is the sky blue?                                                                                                                                               Gases and particles in Earth's atmosphere scatter sunlight in all directions. Blue light is scattered more than other colors because it travels as shorter, smaller waves. This is why we see a blue sky most of the time.

When They FellWhere stories live. Discover now