Paano kung isang umaga, magising ka sa isang hindi inaasahang pangyayari na babago sa takbo ng buhay mo. Imbes na karaniwang umaga ang sasalubong sayo ay isang malaking pagsubok ang kailangan mong harapin. There's only one thing you can do. Fight to survive. Kailangan mong lumaban para mabuhay at makarating sa tinatawag nilang Safe Zone. Isang lugar kung saan muli mong mararamdaman ang kapayapaan. Ngunit bago makarating sa lugar na 'yon, maraming labanan muna ang kailangan mong malagpasan. Maraming dugo ang dadanak sa bawat daan na iyong tatahakin. Kung sa isang laro, ang Safe Zone ang finish line. Can you fight to survive?