"I hate regrets, Elizabeth. And I'm willing to take the risk. Dahil hangga't kasama kita, hanggang sa nakakasama pa kita, ayoko ng matapos pa." Dahil sa sunod-sunod na pagtanggap ng 'failures' sa buhay, napaghinaan ng loob si Elizabeth na ipagpatuloy ang pangarap niya na maging isang manunulat. Hanggang sa nakilala niya si Estefan, ang tinaguriang 'happy-go-lucky' sa kanilang university. Tinulungan siya nito na magkaroon ng kumpyansa sa sarili at ipagpatuloy ang pagsusulat. Pinakita nito ang ganda ng mundo kung magiging matapang siyang harapin ang kinabukasan matapos ang mga sunod-sunod na kabiguan sa buhay. Ngunit nang kinailangan ni Estefan ng masasandalan, handa ba si Elizabeth na maging sandalan ng binata? O magiging isang duwag na naman ito at piliing tumakbo papalayo sa binata? 2020
34 parts